Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, March 02, 2007

MAKABAGONG KAGAMITAN SA GORDON HOSPITAL, DUMATING NA!

Pangunahing takbuhan ng mga residente ng Olongapo at nang mga karatigbayan nito ang James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH).

Mandato ng pagamutan na magbigay ng maayos, magaling at kalidad na serbisyo kaya naman patuloy ang pamahalaang lokal sa pamumuno ni City Mayor James ‘‘Bong’’ Gordon, Jr. at Dr. Art Mendoza bilang Medical Director na ibigay ang mga pangangailangan ng pasilidad.

Katunayan, kamakailan lamang ay dumating na sa premiere hospital ang mga special at latest equipment gaya ng mga ginagamit sa naglalakihang pagamutan sa Metro Manila.

Isa-isang ipinakita ni Dr. Mendoza kay Mayor Bong Gordon ang mga makabagong aparato kabilang na ang Laparoscopic Machine, Video Camera & Endo Eye System, Esaphago-Gastro Duodenoscopy Machine, Operating Microscope at Lithotripsy Equipment.

Kabilang rin sa mga dumating na aparato ang Choledochospe Machine, Cystoscope & Resectoscope at Ureteroscope. Ayon sa Medical Director ay limampung por-siento (50%) pa lamang ito sa mga inaasahang pang darating na kagamitan sa mga nalalapit na araw na bahagi pa rin ng pagdaragdag, pagpapalit at upgrading ng mga kagamitan ng pagamutan.

Ang modernisasyon ng ospital ay bahagi nang 104 milyong Development Bank of the Philippines (DBP) Loan ng lungsod kabilang na ang paglalagay ng makabagong CTscan, computerization program, paglalagay ng PABX system, pagbili ng surgical machines at equipments at ang sinisimulang konstruksyon ng Medical Arts Building (MAB).

Ang MAB ay nasa dalawampung por-siento (20%) na ang konstruksyon ng tatlong (3) gradong extension building na magiging karagdagang silid para sa treatment, recovery, pharmacy at out patient department (OPD) kasama na ang doctor’s offices.

‘’Ang James L. Gordon Memorial Hospital ay maituturing nating kayamanan na dapat nating pangalagaan. Magandang uri ng medical treatment ang dapat makuha ng bawat Olongapeño,’’ wika ni Mayor Gordon.
Ini-inspeksyon ni Mayor Bong Gordon ang mga bagong aparato ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) na bahagi ng isinasagawang modernisasyon ng pagamutan. Kasama sa larawan ni Mayor Gordon si JLGMH Medical Dir. Art Mendoza.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012