Raymundo T. Roquero at Angelita De Jesus-Cruz sa SBMA Board
Devanadera, itinalagang bagong SolGen, at 7 iba pa sa iba’t-ibang puwesto sa gobyerno
Itinalaga kamakailan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang outgoing Corporate Counsel ng gobyerno na si Agnes V.S.T. Devanadera bilang bagong Solicitor General. Pinalitan niya sa puwesto ang dating Solicitor General Antonio Eduardo Nachura na kamakailan lamang ay napili ng pangulo bilang ika-15 miyembro ng korte suprema, base sa isinumiteng pangalan ng mga nominado ng Judicial and Bar Council.
Kaalinsabay nito ay ang paghirang din kay Alberto Agra, dating election lawyer ng pangulo, bilang Government Corporate Counsel ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ng Department of Justice bilang kapalit ni Devanadera.
Nahirang din sina Guillermo Hernandez bilang Privatization Officer ng Privatization and Management Office (PMO) ng Department of Finance (DOF) at si Jose C. Ibazeta bilang presidente ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) ng Department of Energy (DOE).
Ang iba pang mga Presidential Appointees ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita ay sina Armando M. Llamansares, bilang pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Department of Interior and Local Government (DILG); Lourdes U. Barcenas, bilang faculty regent ng Board of Regents, University of the Philippines (UP); Raymundo T. Roquero at Angelita De Jesus-Cruz, acting members, Board of Directors, ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). (Ni Miriam P. Aquino - PIA-LU)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home