WOMEN’S MONTH CELEBRATION SA ‘GAPO, KASADO NA!
All Systems Go!! yan ang sambit ng mga kababaihang bumubuo ng Olongapo City Women’s Council sa pulong na isinagawa nitong ika-21 ng Pebrero 2007 sa Conference Hall, Annex Building ng City Hall kaugnay ng ‘’Women’s Month’’ nitong Marso.
Pinangunahan ni Olongapo City Women’s Council Chair at First Lady Anne Marie Gordon kasama si City Social Welfare & Development Office (CSWDO) Head at Council Co-chair Gene Eclarino ang pulong na dinaluhan ng mga kinatawan ng ibat-ibang ahensiya at departamento ng pamahalaan sa lungsod.
Isa-isang binalangkas ng mga kababaihan ang mga isasagawang aktibidad ng lungsod kaugnay sa nalalapit na buwan ng Marso bilang selebrasyon sa ‘’Buwan ng Kababaihan’’.
Ang month-long celebration na sisimulan sa pagsabit ng streamers sa mga strategic areas at mga business establishments ay isasagawa sa unang pasok pa lamang ng buwan ng Marso
Ang council rin ang inatasan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na manguna sa Flag Raising Ceremony ng mga opisyales at kawani ng pamahalaang lokal sa ika-5 ng Marso 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center bilang opisyal na hudyat ng pagbubukas ng ‘Women’s Month’’.
Samantala, sa ika-8 ng Marso 2007 ay mag-mamarcha ang mahigit tatlong-libong (3,000) kababaihan ng lungsod bilang pakiki-isa sa ‘’Women’s Day Celebration’’ sa buong mundo, na sisimulan sa Olongapo City Mall hanggang Rizal Triange Multi-Purpose Center ganap na alas-8 ng umaga.
Planchado na rin ang mga naka-linyang aktibidad kabilang na ang libreng gupit, trade exhibit, job fair, medical at dental mission, pap smear screening, bone density test, free legal assistance, mobile birth certificate registration at awarding ng livelihood assistance ni Mayor Bong Gordon.
Upang higit na mabigyan ng kaalaman ang council, dalawang (2) seminar ang nakatakdang isagawa kabilang na ang RA Act 9344 o ang Juvenile Justice & Welfare Act of 2006 sa ika-7 hanggang 9 ng Marso samantalang sa ika-14 at 15 ng Marso ay ukol naman sa Human Trafficking ang tututukang talakayin.
Bilang kulminasyon ng buwan ng kababaihan ay isang ‘’Women’s Summit’’ na sponsored ng Olongapo City Government ang inihanda sa ika-28 ng Marso 2007.
Target ng summit ang mahigit limangdaang (500) kababaihang buhat pa sa ibat-ibang panig ng bansa ang dadalo. Dito nakatakdang balangkasin ang estado ng mga kababaihan ng bansa at bumuo ng mga katanungan at kasagutan sa mga suliraning makikita.

Labels: cswdo, olongapo, women's council
0 Comments:
Post a Comment
<< Home