OLONGAPEÑA SA MISS TEEN WORLD PAGEANT
IPINAKILALA ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa isinagawang flag ceremony noong ika-12 ng Pebrero sa Rizal Triangle Covered Court si Megan Marie Escalona Shinew, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Teen World 2007 pageant.
Mula sa Brgy. East Tapinac, si Megan ang opisyal na kinatawan ng bansa sa nasabing beauty contest na gaganapin sa Queensland, Australia sa ika-20 hanggang 29 ng Pebrero, 2007.
“Ngayon pa lamang ay binabati na kita at ipakita mo sa mundo ang ganda at talento ng isang Olongapeña at ng isang Pilipina,” wika ni Mayor Gordon.
Ang Miss Teen World pageant ay sinasalihan ng mga naggagandahang contestants mula sa mahigit 50 bansa sa buong mundo.
Bukod sa titulo, korona at trophy, tatanggap rin ang tatanghaling Ms. Teen World nang umaabot sa 20,000 USD, trip tickets sa Trinidad and Tobago, alahas, gift baskets, make-up, designer outfits at isang taong kontrata sa mga international magazines.
Maggugunitang hawak ngayon ni Elrize Albert ng South Africa ang Miss Teen World (2006) title na inaasahang masusungkit ni Escalona para sa taong 2007.

Labels: megan, ms teen world, olongapo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home