OCPO MULING NANGIBABAW ANG GALING!
Muli na namang kinilala ang galing ng Olongapo City Police Office (OCPO) dahil sa hindi mapantayang serbisyo ng mga opisyales at kawani nito sa pagpapanatili ng Peace & Order sa Lungsod ng Olongapo.
Sa Flag Raising Ceremony na isinagawa nitong Pebrero 2007 sa Rizal Triangle Covered Court ay inialay ni PNP City Director Gil Pacia kasama ang bumubuo ng OCPO kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang Plaque of Recognition bilang ‘’City Police Office of the Year’’.
‘’Ang buong OCPO ay higit na nagpapasalamat kay Mayor Gordon dahil sa patuloy na suportang natatanggap namin. Inspirasyon ito para sa amin na ipagpatuloy ang aming paglilingkod sa Olongapo,’’ wika ni Col. Pacia.
Napili ng Philippine National Police-Region 3 ang OCPO sa kompetisyong kaalinsabay ng paggunita ng ika-16 na anibersaryo ng tanggapan na nilahukan ng ibat-ibang Police Stations sa Gitnang Luzon.
Ang mga hurado ay pinangunahan ni PNP Regional Director Ismael Rafanan batay sa kalidad ng serbisyong ipinakita ng mga nakibahaging estasyon.
Maging ang National Police Commission sa pangunguna ni NAPOLCOM Regional Director Isidro D. Siriban ay kinilala ang galing ng OCPO sa pamamagitan ng komendasyon dahil sa natanggap na award ng lungsod.
Samantala, isang (1) bagong patrol car ang tinanggap na insentibo ng OCPO buhat sa PNP-Region 3 na kanilang magagamit sa pag-papatrolya sa mga lansangan ng Olongapo.
‘’Kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at residente ng lungsod upang makamit natin ang mas tahimik na Olongapo,’’ wika ni Mayor Gordon.
BEST OF THE BEST: Buong pagmamalaking hawak ni Mayor Bong Gordon ang Plaque of Recognition ng OCPO nang mapili ito bilang ‘’City Police Office of the Year’’. Tangan rin ni PNP City Dir. Gil Pacia ang commendation ng NAPOLCOM bunga ng award. Kasama rin sa larawan ang mga kagawad ng lungsod at mga hepe police precincts ng OCPO.
Sa Flag Raising Ceremony na isinagawa nitong Pebrero 2007 sa Rizal Triangle Covered Court ay inialay ni PNP City Director Gil Pacia kasama ang bumubuo ng OCPO kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang Plaque of Recognition bilang ‘’City Police Office of the Year’’.
‘’Ang buong OCPO ay higit na nagpapasalamat kay Mayor Gordon dahil sa patuloy na suportang natatanggap namin. Inspirasyon ito para sa amin na ipagpatuloy ang aming paglilingkod sa Olongapo,’’ wika ni Col. Pacia.
Napili ng Philippine National Police-Region 3 ang OCPO sa kompetisyong kaalinsabay ng paggunita ng ika-16 na anibersaryo ng tanggapan na nilahukan ng ibat-ibang Police Stations sa Gitnang Luzon.
Ang mga hurado ay pinangunahan ni PNP Regional Director Ismael Rafanan batay sa kalidad ng serbisyong ipinakita ng mga nakibahaging estasyon.
Maging ang National Police Commission sa pangunguna ni NAPOLCOM Regional Director Isidro D. Siriban ay kinilala ang galing ng OCPO sa pamamagitan ng komendasyon dahil sa natanggap na award ng lungsod.
Samantala, isang (1) bagong patrol car ang tinanggap na insentibo ng OCPO buhat sa PNP-Region 3 na kanilang magagamit sa pag-papatrolya sa mga lansangan ng Olongapo.
‘’Kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at residente ng lungsod upang makamit natin ang mas tahimik na Olongapo,’’ wika ni Mayor Gordon.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home