Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, February 22, 2007

DAY CARE CENTERS: 32 TAON NANG

NAGLILINGKOD SA MGA BATANG ‘GAPO
IPINAGDIWANG sa Rizal Triangle Covered Court ang ika-32 Anibersaryo ng Day Care Centers nitong ika-22 ng Pebrero 2007.

Ipinamalas ng mga batang mag-aaral ng Day Care Centers sa bawat barangay ang kanilang mga talento sa cheering, pagkanta at pagsayaw.

Nakiisa naman ang mga magulang ng mga estudyante sa pamamagitan ng paglahok sa Revival Dance Contest na inilunsad sa pagtutulungan ng mga Day Care Workers ng 17 baranggay.

“Mahalaga ang pundasyon na naibibigay ng Day Care Centers sa kinabukasan ng bawat bata,”wika ni Mayor Bong Gordon. “ Kumpara sa mga pribadong pre-schools hindi pahuhuli ang mga Day Care Centers sa Olongapo dahil ang ating mga guro o Day Care Workers ay talagang nagsanay upang pangalagaan at turuan ang ating mga anak.

‘’Ang ating mga day care students ay pambato ng lungsod sa mga patimpalak sa Rehiyon III at national competitions, pagpapatunay lamang na maganda at epektibo ang pagtuturo na ginagawa ng kanilang mga guro,” pagmamalaking wika pa ni Mayor Gordon.

Ang mga day care centers sa bawat baranggay ay pinagtutulungang itaguyod ng mga day care workers, mga magulang at ng pamahalaang lokal sa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Samantala, kasama rin sa naturang pagdiriwang ang mga mag-aaral ng Early Childhood Care and Development Center (ECCDC) ng Olongapo City Hall.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012