Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, February 22, 2007

LIBRENG BONE DENSITY SCREENING SA OLONGAPO

HANDOG NI MAYOR BONG

DINUMOG ng mga Olongapeñong nais na makabenepisyo sa Free Bone Density Screening ang Olongapo City Health Office ngayong ika-22 ng Pebrero 2007.

Sa inisyatiba ni Mayor Bong Gordon ay regular nang ilulunsad ng pamahalaang lokal ang Free Bone Density Screening upang matulungan ang mamamayan na malaman nang maaga ang mga karamdamang tulad ng osteoporosis at osteopenia.

Ang osteopenia ay pagkakaraon ng low bone mass at ang osteoporosis naman ay isang karamdaman kung saan ang mga buto ay nagiging porous at fragile at madaling nagkakaroon ng fractures. Ang pagkakaroon ng ganitong sakit ay kaugnay ng pag-edad at postmenopausal. Ayon sa pag-aaral, 1 sa 4 na babae at 1 sa 8 lalake lampas sa edad na 50 ang may sintomas ng osteoporosis.

“Ang maaga at regular na pangangalaga sa ating mga buto ay mahalaga upang tayo ay makaiwas sa mga karamdaman,” wika ni Mayor Gordon. “Kaya nararapat lamang na samantalahin ng ating mga ka-lungsod ang ganitong mga libreng examinations na ibinibigay ng pamahalaan,”dagdag pa ni Mayor Gordon.

Bukod sa regular na pagpapa-check-up, pinapayuhan din ng City Health Office ang mga mamamayan na kumain ng wasto, uminom ng angkop na bitamina at mag-ehersisyo upang mapangalagaan ang kalusugan.

Samantala, libre ding ibinibigay ang consultation sa Out-Patient Department ng James Gordon Memorial Hospital kung saan maari magpatingin sa Pediatrics Section para sa sakit ng mga bata, Surgery para sa mga bukol at operasyon, Internal Medicine o para sa sakit ng matatanda katulad ng TB, kidney disease at iba pa at ang OB-Gyne section para sa naman sa mga buntis at kababaihan.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012