Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, February 25, 2007

JIMMY GORDON, INALALA!

Ginunita ng lungsod ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni James “Jimmy” L. Gordon, Sr. nitong ika-20 ng Pebrero 2007. Ang komemorasyon sa ‘’Ama ng Olongapo’’ ay sinimulam sa pamamagitan ng isang Eucharistic Celebration sa Gordon Park sa pangunguna ng bunsong anak na si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.
Bagamat simple ay puno ng emosyon na ginunita ng mga nakiisang ka-pamilya, kaibigan, barangay officials, department heads & employees ang mga kabayanihang ginawa ng ‘’Olongapo City Founder’’ para sa lungsod.

Dito ibinahagi ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang magandang relasyon sa ama kabilang na ang mga aral na kaniyang natutuhan katulad ng kasipagan, katapatan at kababaang-loob.

’Bilang ama ngayon ng lungsod ay ibinabahagi ko sa inyo ang mga magagandang katangian na iniwan sa akin ng aking ama na si Jimmy Gordon,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Si Jimmy Gordon ang unang elected mayor at nagsulong upang maging ganap na lungsod ang Olongapo. Ang kanyang administrasyon ay lumaban sa kurapsyon at isinulong ang kapakanan ng mga mamamayan.

Kilalang matapang bagamat may pusong mamon sa mga nangangailangan, para kay Jimmy Gordon ang “Pag-gogobyerno ay bigay buhay, hindi hanapbuhay,’’ isang linya na patuloy na tumatatak sa kaisipan ng bawat Olongapeño.

Matatandaan na noong ika-20 ng Pebrero 1967 ay pinaslang si Jimmy Gordon sa unang palapag ng dating Olongapo City Hall mahigit apatnapung (40) taon na ang nakakalipas.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012