PULONG NG MGA LOCAL PLANNERS SA REHIYON, GINANAP SA OLONGAPO
GINANAP sa lungsod ang pulong ng Regional Officers, Board of Directors at miyembro ng League of Local Planning and Development Coordinators of the Philippines LLPDCPI-Regional Chapter nitong ika-15 ng Marso 2007 sa FMA Hall.
Umabot sa 20 miyembro at opisyales ng LLPDCPI ang nagpulong kasama na si Architect Tony Karr Balde, ang pinuno ng City Planning and Development Office.
Dumalo rin sa nasabing pulong ang mga opisyales ng lungsod sa pamumuno ni Mayor James “Bong” Gordon na nagbigay ng kanyang pagbati at mensahe sa mga bisita.
“ Ang inyong mga karanasan at kaalaman sa pagpapaplano ay malaking tulong sa kaunlaran at kaayusan ng mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa,” wika ni Mayor Gordon.
Bukod sa nalalapit na regional convention ng LLPDCPI ay tinalakay din sa naturang meeting ang mga governing rules and regulations ng COMELEC at Civil Service Commission kaugnay ng nalalapit na eleksyon kung saan naging tagapagsalita sina Atty. Lydia Pangilinan, Provincial Election Supervisor ng Zambales at Atty. Karin Litz P. Zerna, Regonal Director ng Civil Service Commission.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home