‘’INTERNATIONAL WOMEN’S DAY SA ‘GAPO, MAKULAY NA IPINAGDIWANG’’
Nakibahagi ang mahigit tatlong-libong (3,000) mga kababaihan ng lungsod sa selebrasyon ng ‘’International Women’s Day’’ ngayong Marso 2007.
Napuno ng mga Olongapeña ang Rizal Triangle Multi-Purpose Center matapos ang mahabang parada na pinangunahan ni Olongapo City Women’s Council Chair at First Lady Anne Marie Gordon.
Nilakad ng mga kababaihan ang kahabaan ng R.M. Drive at Rizal Avenue habang winawagayway ang mga banderita at lobo na kulay ube, ang kulay na itinalaga ng International Women’s Council bilang simbolo ng kababaihan.
Isang masiglang programa ang ginanap na dinaluhan ng ibat-ibang ahensiya at NGO’s ng lungsod kabilang na ang DepED-Olongapo, Senior Citizens, SAMPOL, BUKLOD, ang all women’s group na Soroptomists International at mga kababaihang residente ng Olongapo.
Kasabay ng programa ay dinumog rin ng mga kababaihan ang ibat-ibang mga inihandang booth ng council para sa ‘’trabaho-assistance’’ ng Public Employment Services Office (PESO), free legal assistance, medical at dental mission, pap-smear screening, trade exhibit at mobile certificate registration.
Pinilahan rin ng mga kababaihan ang libreng gupit buhat sa mga graduates ng ‘’Isang Gunting, Isang Suklay’’ na isa sa mga naunang programa para sa mga kababaihan ni Council Chair Anne Marie.
Nag-uwi rin ng pack of groceries, reading glasses at t-shirts ang mga mapapalad na Olongapeñang nabunot ang kanilang pangalan sa isinagawang pa-raffle.
Sumentro sa kahalagahan ng kababaihan ang mensaheng ibinigay ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ‘’Malaki ang bahagi ng mga kababaihan sa tinatamasang kaunlaran ng Olongapo, nakita na natin yan sa maraming paraan’’.
‘’Patuloy rin ang lungsod na nagsasagawa ng mga programa para pangalagaan ang mga kababaihan. Bukas ang Women’s Center bilang pansamantalang tahanan ng mga kababaihang nakakaranas ng pang-aabuso,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.
Sa pamamagitan ng Livelihood Cooperative & Development Office (LCDO) ay namahagi rin ng assistance si First Lady Anne Marie Gordon sa mahigit limampung benepisaryo. Matatandaan na kamakailan lamang ay tumanggap ang LCDO ng 1 milyon buhat sa pondong nalikom ng 2006 City Fiesta sa pangunguna rin ni City Fiesta Executive Chair at First Lady Anne.
Samantala, upang higit na mabigyan ng kaalaman ang mga kinatawan sa council, ay dalawang (2) seminar ang ginaganap tungkol sa RA Act 9344 o ang Juvenile Justice & Welfare Act of 2006 nitong ika-7 hanggang 9 ng Marso samantalang sa ika-14 at 15 ng Marso ay ukol naman sa Human Trafficking ang tututukang talakayin.
Bilang kulminasyon ng buwan ng kababaihan ay isang ‘’Women’s Summit’’ na sponsored ng Olongapo City Government ang inihanda sa ika-28 ng Marso 2007.
Target ng summit ang mahigit limangdaang (500) kababaihang dadalo buhat pa sa ibat-ibang panig ng bansa. Dito nakatakdang balangkasin ang estado ng mga kababaihan ng bansa at bumuo ng mga katanungan at kasagutan sa mga suliraning makikita.

Labels: deped, olongapo, women's council
0 Comments:
Post a Comment
<< Home