Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 08, 2007

OLONGAPO DELEGATES SA CLRAA, WAGI!

Hindi binigo ng mga atletang naging pambato ng Olongapo ang mga ka-lungsod nang mamayagpag ang mga ito sa apat (4) na araw na Central Luzon Regional Athletics Association (CLRAA) Meet 2007 nitong ika-26 ng Pebrero hanggang ika-2 ng Marso.

Sa sampung (10) siyudad at pitong (7) lalawigan sa Region-3 na nagtunggalian sa Malolos City, Bulacan sa CLRAA ay 3rd runner-up ang Olongapo na nakakuha ng 228.5 points.

Ang Olongapo Delegation na may kabuuang 86 na medalya ay nag-uwi ng 38 golds, 23 silvers at 25 bronze medals. Partikular na humataw sa swimming at lawn tennis nang tanghaling kampeon para sa elementary at secondary level ang team Olongapo.

Nagpakitang-gilas rin ang Olongapo athletes sa iba pang events tulad ng Badminton, Chess at Gymnastics at nakakuha ito ng magandang puntos sa pointing scheme ng CLRAA.

Samantala, masayang ipinag-malaki ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa Flag Raising Ceremony nitong ika-5 ng Marso 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ang mga atletang nagbigay ng karangalan sa lungsod.

‘’Buhay sa bawat atleta at mga opisyales ng Olongapo Delegation sa CLRAA ang temang Discipline, Teamwork and Excellence dahil sa ipinakitang sigasig ng bawat isang manlalaro,’’ wika ng punong-lungsod.

‘’Hanggang sa Bulacan kung saan ginanap ang 2007 CLRAA ay bitbit ng mga atleta ang ating city slogan na ‘Fighting for Excellence!!’. Sa pamamagitan ng ibat-ibang city sports activities ay higit pang hinahasa ang mga kabataan ng Olongapo upang patuloy na magbigay ng karangalan,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Magkatuwang na pinagtulungan ng City Government at ng Department of Education (DepED-Olongapo) ang pagtungo ng delegasyon sa Malolos.

Ang mga nagsipag-wagi sa bawat events ay magiging kinatawan ng Central Luzon sa nalalapit na Palarong Pambansa 2007 na gaganapin sa Coronadal, South Cotabato sa buwan ng Abril.
Si Mayor Bong Gordon kasama ang mga athletes, coaches, DepED at city officials sa katatapos na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) na ginanap nitong ika-26 ng Pebrero hanggang 2 ng Marso sa Malolos City, Bulacan.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012