Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, March 06, 2007

2007 SPES PINULONG!

Tinipon ng Olongapo City Government sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) ang mahigit dalawangdaang (200) kabataang kabilang sa Special Program for Employment of Students o SPES.

Kasama ang kani-kanilang mga magulang o guardian ay ipinakilala ni PESO Manager Evelyn delos Santos kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga kabataang nakapasa sa pamantayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang mapabilang sa special program.

Ang orientation na isinagawa sa Olongapo City Convention Center (OCCC) nitong ika-28 ng Pebrero 2007 ay may layuning ipa-alam sa mga SPES qualifiers at sa kanilang mga magulang ang mga nakapa-loob sa kontratang pipirmahan ng mga kabataan.

Kabilang na rito, ang halagang matatanggap, bilang ng araw na kinakailangang bunuin upang ma-kompleto ang summer program at ang inaasahang attitude ng mga employers buhat sa mga papasok na kabataang SPES.

Ang SPES ay taunang inilulunsad ng Local Government Unit (LGU) at nang DOLE upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante at out-of-school youth na nasa labinglima (15) hanggang dalawamput-limang (25) taong-gulang na makapagtrabaho at kumita.

Dito ay magkatuwang na babalikatin ng LGU at DOLE ang halagang P224.00 kada araw na tatanggaping sahod ng mga kabataan na ang animnapung por-siento (60%) ay magmumula sa pondo ng LGU samantalang ang nalalabing apatnapung por-siento (40%) ay magmumula sa DOLE.

Para naman sa mga SPES na ma-a-assign sa private sector, halagang P254.00 kada-araw ang tatanggaping sahod, animnapung por-siento (60%) ay sagot ng business establishment samantalang ang apatnapung por-siento (40%) ay buhat sa DOLE.

Animo’y lumusot sa butas ng karayom ang pinag-daanan ng bawat kabataang kabilang sa SPES dahil tiniyak ng pamahalaang local ng lungsod na bagamat mahirap ay may sipag, tiyaga at talino ang mga ito.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012