CHIZ ESCUDERO SA GAPO
MULING DINALAW ni Cong. Chiz Escudero ang tinatawag nyang “mentor” noon sa Kongreso, ang three-termer Congressman ng unang distrito ng Zambales at ngayon ay mayor ng Olongapo, James “Bong” Gordon Jr.
Bilang isang matagal nang kaibigan, kusang sumama si Cong. Escudero sa jogging-inspection ni Mayor Gordon sa Purok 1, Barangay Sta. Rita kung saan nakita ng Kongresista ng Unang Distrito ng Sorsogon na ngayon ay kandidatong senador, ang mga proyekto ng lungsod at kalagayan ng mamamayan sa naturang barangay.
Sa kanilang magkasamang paglibot sa iba pang bahagi ng lungsod ay kitang-kita ang malalim na samahang nabuo sa pagitan ng dalawa noong nasa Kongreso pa sila. Palibhasa’y naka-tatlong termino, malaki ang naging pag-galang ng mga nakasabayang Congressman kay Mayor Gordon , kabilang na si Cong. Escudero.
“Bukod sa naging kasama ko sa Kongreso si Chiz, matagal na naming family friend ang kanyang mga magulang kahit noong kami’y mga bata pa,” paliwanag ni Mayor Gordon.
Samantala, mainit namang tinanggap ng mga Olongapeño si Escudero, kasama si Mayor Gordon, sa kanyang pagbisita sa lungsod lalo na sa mga paaralan at kolehiyo.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home