Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, March 03, 2007

BUWAN NG MARSO BILANG FIRE PREVENTION MONTH

Unang araw pa lamang ng buwan ng Marso ay puspusan na ang ginagawang information campaign ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo sa pangunguna ng Bureau of Fire-Olongapo (BOF) kaugnay sa Fire Prevention Month.

Isang kick-off parade ang ginawa kung saan nag-ikot sa mga pangunahing lansangan ang mga naglalakihang fire trucks ng bureau kasama ang iba pang agencies and departments upang ipabatid sa mga residente ng lungsod na ang pagsisimula ng buwan ng tag-init ay simula na rin ang posibleng kaganapan ng mga sunog.

Para sa taong ito, bitbit ang temang ‘’Pambansang Pagkaka-isa Laban sa Sunog’’ ay puspusan na ang ginagawang mga fire drills at seminars ng BOF para sa mga mag-aaral, guro at school personnel.

Target rin ng bureau na isa-isahin ang mga business establishments sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga kawani at costumers nito. Magkakatuwang na nagsasagawa ngayon ang ibat-ibang ahensiya at departamento ng lungsod upang iparating sa mga Olongapeño na kinakailangan ang higit na pag-iingat.

Magka-agapay ang Bureau of Fire at ang Disaster Management Office (DMO) kasama ang Philippine National Police (PNP), James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH), Red Cross, labingpitong (17) barangays at Olongapo City Government sa pangunguna ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Magugunitang, higit na mababa ang bilang ng insidente ng sunog ng taong 2005 kung saan bumaba ito ng 49% samantalang taong 2006 ay bumaba pa ng 39%. Target pa ng bureau na higit na pababain ang datos para sa taong 2007 sa pamamagitan ng mga information campaign.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012