‘GAPO, BUO ANG SUPORTA SA MGA DELEGADO NG CLRAA MEET 2007
PERSONAL NA sinadya ni Mayor Bong Gordon at iba pang opisyales ng lungsod ang pagbubukas ng Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) noong ika-28 ng Pebrero 2007 sa Malolos, Bulacan.
“Naiintindihan ko na bukod sa suportang pinansyal mula sa pamahalaan ay mas kailangan ng ating mga batang manlalaro ang moral support upang mas lalo pang ganahang lumaban at magwagi,” wika ni Mayor Gordon.
Ang CLRAA ay taunang kompetisyong pampalakasan kung saan pinipili ang magiging kinatawan ng Gitnang Luzon para sa mas mataas na level ng kompetisyon, ang Palarong Pambansa. Kabilang sa mga naglalabang lalawigan sa CLRAA ang Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac,Pampanga at Zambales at kasama naman ang Olongapo, Angeles, Balanga, Cabanatuan, Gapan, Malolos, Muñoz, San Fernando, San Jose del Monte at Tarlac sa mga lungsod na kasali.
Noong nakaraang taon, sa pagpapaunlak ni Mayor Bong Gordon ay muling ginanap sa Olongapo ang CLRAA Meet , dalawang taon lamang matapos huling ganapin sa lungsod ang naturang kompetisyon. Matatandaan na pinondohan ng pamahalaang panglungsod ng P5 milyong piso ang pag-hohost ng naturang kompetisyon dahil na rin sa programa ng Olongapo na suportahan ng todo ang larangan ng sports para sa kabataan at upang palakasin rin ang turismo at komersyo sa lungsod.

1 Comments:
Gdpm pwede po bang humingi ng tulong tungkol sa history ng CLARAA Kailan po ito nagsimula sino po ang founder and some pics
By Anonymous, at 3/09/2007 7:22 PM
Post a Comment
<< Home