BOKSING SA GORDON HEIGHTS, DINUMOG!
Muli na namang dumagundong ang malakas na hiyawan ng mga boxing enthusiasts ng lungsod nang ganapin sa Brgy. Gordon Heights Covered Court nitong ika-1 ng Marso 2007 ang 6th leg ng Amateur Boxing Tournament ng Olongapo.
Ang tournament ay bahagi ng ‘’Programang Paboksing sa Brgy. ni Mayor Bong Gordon’’ katuwang ang Olongapo City Amateur Boxing Association, Olongapo Youth & Sports Development Office at ang Brgy. Gordon Heights sa pamumuno ni Brgy. Capt. Damian delos Santos.
Bagamat bagito sa boxing ring ay nagpa-ulan ng kani-kanilang winning-attack ang mga pambatong boksingero ng lungsod na sinaksihan ng halos isanlibong (1,000) manonood.
Sa labingdalawang (12) title bouts na pinaglabanan ay kampion ang mga sumusunod na boksingero:
LEONARD GUEVARRA - (Gordon Heights)
RODEL NOBE - (West Bajac-Bajac)
NOEL GUEVARRA - (Gordon Heights)
JANNO SAMBAJON - (Gordon Heights)
JOSEREY GENOGUIN - (Gordon Heights)
ALEJO CORPUZ 16 (New Cabalan)
JEFFREY VINAS - (Gordon Heights)
JHIM INTERINO - (East Bajac-Bajac)
FRANCISCO GENOGUIN - (Gordon Heights)
RAMON POBLETE – (Kalalake)
EDU MANDAP
LARRY ABARRA – (Barretto)
Inspirasyon sa mga new breed of boxers ang mensahe ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na sumentro sa galing ng mga kabataan ng lungsod, ‘’Patuloy tayong maghahanap at huhubog ng mga boksingerong may potensyal na maging pambato ng Olongapo sa boksing.’’
Sa ngayon ay halos kompleto na ang mga boxing equipment na ginagamit ng mga boksingero ng Olongapo sa kanilang pagsasanay upang higit na mas maraming bilang ng mga ito ang mahasa sa bilis, tatag at tibay ng katawan.
Para sa mga nais na lumahok sa mga susunod pang boxing competitions ay maaaring makipag-ugnayan sa City Disaster Management Office (DMO) o tumawag sa 224-7846 o kaya’y sa inyong mga sariling barangay halls.

Labels: boxing, gordon heights, olongapo
0 Comments:
Post a Comment
<< Home