Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, March 07, 2007

MGA GUMAGAWA NG BANDALISMO, TIKLO

Humarap kay Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang ikatlong grupo ng mga vandals na nahuling naninira ng mga billboards na pag-aari ng lungsod ngayong ika-5 ng Marso 2007 sa Olongapo City Hall.

Ito’y upang humingi ng tawad at mag-alok ng community service matapos pormal na masampahan ng kaso sa City Prosecutors Office.

Sina Jay-ar Election, 20 at Brian Perez, 25 ay sinampahan ng pormal na reklamo ni Vic Vizcocho Jr., head ng Public Affairs Office (PAO) base sa salaysay ng testigong si Mickey Umpar, 26 , isang street vendor na nakasaksi sa paninirang ginawa nila Perez at Election.

Ayon kay Umpar, nakita diumano nya ng suntukin at sadyang sirain ni Election at Perez ang billboard sa may Ulo ng Apo Rotonda, 2:40 ng madaling araw noong Marso 4, 2007.

“Ang paghahain ng pormal na reklamo laban kay Perez at Election ay isang hakbang upang maprotektahan ang mga pag-aari ng pamahalaan laban sa bandalismo at upang pag-ingatan rin ang mga proyektong mula sa buwis na ibinabayad ng mamamayan,” paliwanag ni Vizcocho.

Ang sadyang pagputol at paninira sa mga puno, damo, halaman, daan, gutter, kanal, water pipe, building at mga bakod at iba pang pag-aari ng lungsod ay mahigpit na ipinababawal ng City Ordinance no. 7 (series of 1967).

Magugunitang may kampanya ang lungsod laban sa vandalism at ang makapagtuturo ng mga vandals ay maaaring makatanggap ng pabuyang P5,000.00 kapag nakasuhan ang suspect.

Si Mayor Bong Gordon kaharap ang dalawang (2) kalalakihan (ikalawa at ikatlong nakalinyang kaharap kay Mayor Gordon) na sangkot sa paninira ng mga billboards sa may Ulo ng Apo Rotonda na pag-aari ng lungsod. Sinamahan ang mga susupects ng kanilang guardians nitong ika-6 ng Marso 2007 sa FMA Hall sa paghingi ng tawad sa ginawang Vandalism ng mga ito.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012