Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, March 07, 2007

‘’BEST IN THE REGION’’

Matapos ang apat (4) na araw na palaro ng Central Luzon Regional Athletics Association (CLRAA) Meet 2007 ay muling nakopo ng Bulacan ang kampeonato sa pagkakatala ng 498.5 points, ang pinaka-mataas na iskor laban sa iba pang 16 na kalahok na mga delegasyon.

Ang 2007 CLRAA na ginanap sa Malolos City, Bulacan noong ika-26 ng Pebrero hanggang ika-2 ng Marso ng 2007 ay nagtapos sa isang simpleng ceremony at awarding na isinagawa sa Bulacan Sports Complex.

Sa pamamagitan ni CLRAA Technical Records Management Committee Chief Dr. Elizabeth Perfecto, inihayag ang mga nagsipagwagi.

Wala pa ring nakakaagaw sa matagal ng pinangangalagaang trono ng Bulacan na muling tinanghal bilang over-all champion sa CLRAA Meet 2007. Humataw ang team Bulacan sa Gymnastics, Badminton at Taekwondo Events at lumamang din ng puntos sa iba pa.

Nakuha naman ng Pampanga ang 2nd ranking na may 366 points habang ang Nueva Ecija na nasa 5th ranking lamang ng 2006 CLRAA ay umakyat ngayong taon at nakuha ang 3rd place na may 299.2 points ay humataw naman sa ibat-ibang field events.

Ang 2007 CLRAA Final Tally ay ang sumusunod:

DELEGATION ELEMENTARY SECONDARY Grand Total RANK
Boys Girls Total Boys Girls Total
Bulacan 153 85 238 142 118.5 260.5 498.5 Champion
Pampanga 70 88.5 158.5 112 95.5 207.5 366 1
Nueva Ecija 51.5 56.2 107.7 104.5 87 191.5 299.2 2
Olongapo 41 50 91 74 63.5 137.5 228.5 3
Malolos City 31 33 64 80 60 140 204 4
San Jose, del Monte 32 30 62 50 38 88 150 5
Tarlac Province 48.5 30 78.5 59 8 67 145.5 6
Bataan 44 47 91 33 15 48 139 7
Angeles City 27 49.7 76.7 34.5 23 57.5 134.2 8
Aurora 33 19 52 26 10 36 88 9
Tarlac City 34 13 47 26 28 28 75 10
City of San Fernando 30 4 34 18 12 30 64 11
Cabanatuan City 17 7.7 24.7 14.5 9.5 24 48.7 12
Balanga 35 2 37 4 6 10 47 13
Muñoz 0 4 4 14.5 10 24.5 28.5 14
Zambales 7 2 9 4 0 4 13 15
Gapan 0 0 0 0 4 4 16.5 16

Matapos ang awarding ay sinimulan ng ibaba ang mga banners ng bawat delegasyon bilang hudyat ng pagtatapos ng CLRAA Meet 2007 na bagamat naging tagisan ng lakas, bilis at tapang ay higit na nangibabaw ang spirit of sportsmanship sa pagitan ng ibat-ibang mga siyudad at lalawigan sa Region-3.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012