Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, April 01, 2007

GABI NG PARANGAL SA MGA ‘’OUTSTANDING OLONGAPEñO’’

Pinarangalan na ang mga natatanging mamamayan ng lungsod na nagpakita ng galing para sa Olongapo at sa mamamayan nito. Ang parangal na tinaguriang ‘’Outstanding Olongapeños’’ na isinagawa nitong ika-15 ng Marso 2007 sa Olongapo City Convention Center (OCCC) ay inorganisa ng Barangay Councilors’ League of the Philippines (BCLP)-Olongapo Chapter.

Ang awards night ay pinangunahan ng BCLP sa pamamagitan ng Presidente nito na si Cesar Santiago, kaagapay ang Dept. of Interior and Local Government (DILG)-Olongapo at ng City Government sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Godon, Jr.

Iginawad ang tropeyo sa mga sumusunod na kategorya at awardees:

• Law - Atty. Alruela Bundang-Ortiz
• Medicine - Dr. Restituto Acosta
• Education:
Principal - Maritess Calara
- Olongapo City Elementary School

Teacher - Annie Quinoveba
- New Cabalan Elementary School
• Entrepreneur - Oscar Santos
• Non-Government Organization (NGO) – Peninsula Lions Club

Ginawaran rin ng Special Award ang Olongapeñong si Abner Mercado ng programang ‘’The Correspondence’’ ng Abs-Cbn Channel 2 para sa kategoryang Investigative Journalism.

Maliban sa prestiyosong titulo ay tinanggap ng mga awardees ang cash, ‘’Ulo ng Apo’’ trophy at citation samantalang tumanggap rin ang lahat ng mga finalists ng medal of merit.

Naging mahigpit ang pagpiling ginawa ng mga huradong buhat sa ibat-ibang sektor na kinabilangan nina Domingo Cruz na kumatawan sa Senior Citizen, Ferdinand Cruz-Banking and Entrepneur, Gene Eclarino-Social Service, Jay Diaz-Academe at Col. Jose Aquino, Jr. ng PNP-Olongapo.

May puwang rin ang religious sector sa pagpili sa pamamagitan ni Rev. Father Roque Villanueva ng St. Anne Parish at ang Mass Media sa pamamagitan naman ni Retired Col. Jerito Adique.

Samantala, sa pamamagitan ng kanilang naiwanang pamilya ay tinanggap ng pitong (7) namayapang kagawad ang Service Recognition buhat sa BCLP. Iginawad posthumously ang award sa kanila Barangay Kagawad Cornelio Alipio-Brgy. Old Cabalan, Romero Elayda-Brgy. Barretto, Jose Raymundo-Brgy. New Kalalake, Ramon Diwa-Brgy. New Banicain, Aida Rosas-Brgy. Old Cabalan at Cesar Lorenzana ng Brgy. Barretto.

Sa mensahe ni Mayor Bong Gordon, Jr. ay kaniyang binigyang-pugay ang mga nagawa ng mga natatanging Olongapeño, ‘’Kayong lahat ay inspirasyon at modelo ng ating lungsod. Patuloy kayong maging magandang ihemplo sa Olongapo.

Para sa 3rd year ng ‘’Outstanding Olongapeño’’ ay muling sisimulan ang pangangalap para sa mga susunod na nominasyon. Maaaring tumungo sa Department of Interior and Local Government (DILG) Office na matatagpuan sa 3rd Floor, City Hall Building o tumawag sa 222-3353 para sa karagdagang impormasyon.

FIGHTING FOR EXCELLENCE!!: Si Mayor Bong Gordon kasama ang mga awardees ng ‘’Outstanding Olongapeños’’ na pinarangalan ng Barangay Councilors League of the Philippines (BCLP)-Olongapo Chapter. (From R-L) Bella Adamos (Peninsula Lions Club)-NGO, Maritess Calara- (Principal)Education, Annie Quinoveba-(Teacher) Education, Atty. Alruela Bundang-Ortiz-Law, First Lady Lady Anne Marie Gordon, Mayor Bong Gordon, BCLP President Cesar Santiago, Oscar Santos-Entrepreneur at Dr. Restituto Acosta-Medicine.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012