Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, April 03, 2007

GORDON TICKET PROCLAMATION

Isang araw matapos na sama-samang nagfile ng Certificates of Candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) ang Gordon Ticket ay isang Proclamation Rally naman ang isinagawa nitong ika-30 ng Marso 2007.

Ang motorcade na sinimulan sa Driftwood Beach bilang assembly area ay nag-ikot sa ibat-ibang barangay at pangunahing lansangan sa lungsod ay sinundan ng malaking programa sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Ang Gordon Ticket ay pinangunahan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na muling tumatakbo sa pareho ring posisyon, kasama sina Kagawad Cynthia Cajudo na tumatakbo naman bilang Vice-Mayor ng lungsod.

Buo rin ang sampung (10) kagawad ng Gordon Ticket kabilang na ang limang (5) incumbent na sina Elmo Aquino, Edwin Piano, Marey Beth Marzan, Gina Perez at JC delos Reyes na nagbigay ng ilang minutong pagpapakilala sa kanilang sarili at paglalahad ng plataporma.

Samantala, ipinakilala rin ni Mayor Bong Gordon ang limang (5) bagong-mukha ng ticket para sa Konseho kabilang na sina Ellen Dabu, Jong Cortez, Gie Baloy, Rodel Cerezo at Lex Magrata.

Kasama rin ni Mayor Gordon ang pambato ng ticket sa pagka-Congressman para sa Unang Distrito ng Zambales na si Vice-Governor Ramon Lacbain at ang tumatakbong Vice-Governor ng Zambales na si First Lady Anne Marie Gordon.

Bitbit ang mga flaglets ay matinding show of force ang ipinakita ng mga ka-pamilya, kaibigan at supporters ng Gordon Ticket na umabot sa mahigit walonglibo (8,000). Maging ang GMA-7 talent, host, singer at Olongapeñang si Gladys Guevarra ay dumating rin sa venue bilang pagbibigay suporta sa Gordon Ticket.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012