Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, May 29, 2007

‘’IPIT GANG’’ BAGSAK SA KAMAY NG OTORIDAD

Tiklo ng Olongapo City Police Office (OCPO) ang dalawang (2) miembro ng ‘’Ipit Gang’’ matapos tinangkang biktimahin ang isang animnaput-limang (65) taong gulang na lolo nitong ika-28 ng Mayo 2007.

Huli ang mga dayong suspects na sina Enrico Buenaventura, 35 years old at Fernando Hular, 28 years old na parehong residente ng Pampanga matapos tinangkang dukutan si Germinio Reyes ng Brgy. West Bajac-Bajac.

Ayon sa salaysay ng biktima, habang siya ay lulan ng pampasaherong jeepney na biyaheng Sta Rita-Main Gate ay tumabi sa kanyang kanan at kaliwang bahagi ang mga suspects na nag-resulta sa kanyang pagkaka-ipit sa upuan.

Hanggang sa makaramdam ang biktima nang gumagapang na kamay buhat sa kanang bahagi ng kaniyang bulsa na animo’y may kinukuha. Dahil sa pangyayari ay umagaw ng atensyon sa driver at ilan pang kasamang pasahero ang pagtatalo ng biktima at suspects.

Nag-resulta ang komosyon sa loob ng sasakyan na nakatawag rin ng pansin sa mga naka-antabay na kinatawan ng Disaster Management Office (DMO) sa harap ng Marikit Park na nagbunga ng pagkaka-aresto ng mga suspects.

Sa ngayon, ang mga suspects ay pansamantalang naka-ditine sa Police Station-3 habang inaantay ang isasampang kaso laban sa kanila.

Pina-alalahanan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga residente ng lungsod na maging alerto sa lahat ng panahon at makipag-ugnayan sa City Police Office o kaya’y sa Mayor’s office kung may mga nalalamang kahalintulad na insidente upang tuluyang masawata ang mga illegal na gawain.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012