Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, May 25, 2007

‘’SALAMAT OLONGAPO’’

Pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at bagong Vice-Mayor Cynthia Cajudo kasama ang mga bagong halal na kagawad ng lungsod ang pasasalamat sa mga opisyales at kawani ng Olongapo na nagbigay suporta at pagtitiwala sa Gordon Ticket.

‘’Saludo ako sa lahat ng Olongapeñong nakiisa sa katatapos na halalan at nakibahagi sa mahalagang araw. Ang eleksyon ay isang araw lamang, simulan na natin ang higit pang pagta-trabaho para sa Olongapo,’’ mensahe ni Mayor Bong Gordon nitong ika-21 ng Mayo 2007 kaalinsabay sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Naging emosyonal rin ang pasasalamat ni Kagawad Cynthia Cajudo na nahalal bilang Vice-Mayor, ‘’Asahan ninyo na ako ay higit pang magiging mabuti at tapat na public servant. Salamat sa inyong tiwala!.’’

Isa-isa ring ipinakilala ni Mayor Gordon ang walo (8) sa sampung (10) kagawad ng lungsod na dumating sa programa kabilang na ang mga re-electionist na sina Kagawad Gina Perez, Kagawad JC Gordon delos Reyes, Kagawad Marey Beth Marzan, Kagawad Edwin Piano at Kagawad Elmo Aquino.

Ipinakilala rin ang mga bagong uupong miembro ng konseho na sina Gie Baloy at Ellen Dabu. Bagamat hindi nakarating sa programa si Jong Cortez ay nagpa-abot rin ito ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay suporta sa kanyang kandidatura.

Opisyal na magsisimulang manungkulan ang mga bagong opisyal sa ika-1 ng Hulyo 2007 matapos ang isasagawang ‘’Oath Taking Ceremony’’ sa buwan ng Hunyo.

Isa-isang ipinakilala ni Mayor Bong Gordon ang mga bagong miembro ng konseho na sina: (From R-L) Ellen Dabu, Gie Baloy, Rodel Cerezo, JC Gordon delos Reyes, Gina Perez, Edwin Piano, Elmo Aquino at Marey Beth Marzan. INSET: Si Mayor Bong Gordon at Vice-Mayor Cynthia Cajudo habang nagbibigay pasasalamat sa mga opisyales at kawani ng Lokal na Pamahalaan nitong ika-21 ng Mayo 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012