"ALAGAAN, ILOG SA GAPO!"
Pinapa-tutukan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) ang higit pang pangangalaga at pagbabantay sa mga ilog sa Lungsod ng Olongapo.
Partikular na pinapabantayan ni Mayor Bong Gordon ang mga malalaking ilog ng Kalaklan, Sta Rita, Mabayuan, Bangal at ang Drainage o Perimeter Channel na matatagpuan sa pagitan ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) at Olongapo.
Sa mga isinasagawang weekend-inspection ay inatasan ng punong-lungsod si ESMO Head Dante Ramos na tiyaking patuloy na magsagawa ng paglilinis ang mga itinalagang River Monitoring Teams sa limang (5) ilog sa lungsod.
Upang maiwasan ang pagpasok ng basura ay nagdagdag na rin ng Net Barriers at Sign Boards na nagpapa-alaala sa mga residente na bawal ang pagtatapon ng basura sa ilog at kung sino man ang mahuhuling lumalabag dito ay may karampatang parusa.
‘’Ang pangangalaga sa ilog ay maihahalintulad sa isang drug addict na nangangailangan ng mahabang drug rehabilitation upang mawala ang chemical sa katawan nito. Ganyan rin ang ating mga ilog, hindi ito malilinis overnight kundi dapat ay tuloy-tuloy,’’ wika ni Mayor Gordon.
Pina-alalahanan rin ni Mayor Gordon ang mga Barangay Chairmen at opisyales nito kaugnay sa mga City Ordinances o Batas Pang-lungsod na ang mga ito ang nakatalagang pangunahing implementor ng paglilinis ng ilog at kanal sa kanilang nasasakupan.
Matatandaan na magkatuwang ang Lungsod ng Olongapo at ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa siyam (9) na Joint River Clean-ups buhat nang unang inilunsad ito noong November 2004 batay sa inisyatiba at proyekto ni Mayor Bong Gordon bilang tugon sa problema sa basura sa mga ilog.

Labels: ESMO, Joint River Clean-ups, Jr., Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, River, weekend-inspection
0 Comments:
Post a Comment
<< Home