Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 10, 2007

‘’THE CHANNEL REST ROOM’’

Pinasinayanan na ang bagong pampublikong 24-hour open rest room sa Lungsod ng Olongapo. ‘’The Channel Rest Room’’ ang tawag dito dahil sa lokasyon nito sa parking area ng Olongapo City Mall malapit sa Perimeter Channel o ‘The Channel’’.

Ang inagurasyon ay pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Zambales Vice-Governor Anne Marie Gordon kasama si Vice-Mayor Cynthia Cajudo, City Councilors at mga opisyales ng barangay sa basbas ni Rev. Fr. Larry Villafuerte nitong ika-6 ng Hulyo 2007.

‘’Ang ‘The Channel Rest Room’ ay para sa mga bisita at turista ng lungsod na buhat sa malayong biyahe ay unang tinutungo ang rest room. Kaya mahalaga na malinis, maayos at mabango ang bubungad na palikuran sa kanilang pagdating,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Ang NGO na SUGPO (Samahang Ugnayang Pampamayanan ng Olongapo) ang direktang mangangalaga sa kalinisan sa loob at labas ng rest room, ‘’Huwag ninyong papayagan na dumihan o sirain ng mga vandals ang rest room. Meron tayong ordinansa laban sa vandalism at grafitti kaya mag-tulungan tayo na mahuli ang mga vandals,’’ dagdag pa ng punong-lungsod.

Ang ‘’The Channel Rest Room’’ ay bilang karagdagan sa kasalukuyan nang bukas na palikuran sa loob ng City Mall na nasa pangangalaga rin ng SUGPO.

Upang makaragdag sa donasyong ibinibigay ng mga gagamit nito ay maglalagay rin ng ‘’Storette’’ kung saan maaaring bumili ng sabon, tissue paper, cologne at iba pang toiletries sa rest room sa mababang halaga lamang.


Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay ng mensahe sa blessing and inauguration ng ‘’The Channel Rest Room’’ sa Parking Area ng Olongapo City Mall nitong ika-6 ng Hulyo 2007. Dumalo rin sa pasinaya sina: (From R-L) Rev. Fr. Larry Villafuerte, Vice-Mayor Cynthia Cajudo, Zambales Vice-Gov. at Olongapo First Lady Anne Marie Gordon, First Daughter Amelia Jane Gordon at City Mall Administrator Norie Gomez.

Pao/rem

Labels: , , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012