Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, August 10, 2007

AGARANG TUGON SA PANAHON NG SAKUNA

‘’Kailangan nating maging matatag sa lahat ng sakuna na tumatama sa Olongapo,’’ yan ang wika ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. matapos ang
malakas na pag-ulan nitong ika-8 ng Agosto 2007.

Agarang pina-kilos ni Mayor Bong Gordon ang ibat-ibang departamento at sangay ng Pamahalaang Lungsod ng Olongapo upang tugunan ang mga lugar na lubhang na-apektuhan sa malakas na pag-ulan.

Full-force ang Disaster Management Office (DMO) na tumungo sa mga mababang lugar kabilang na ang sa Purok 1 ng Brgy. Sta. Rita, Mactan sa Old Cabalan, New Banicain, New Ilalim, New Kababae at West Tapinac na naglikas sa mga residenteng nakulong sa baha.

Sa atas pa rin ni Mayor Bong Gordon, ay itinalaga ang Olongapo City National High School (OCNHS) bilang evacuation site na magdamag namang inalalayan ng mga kawani ng City Social Welfare and Services Office (CSWDO) na nagpamahagi ng mga damit at pagkain sa magdamag.

Maging ang mga medical staff ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) at City Health Office (CHO) ay nagsagawa ng medical check-up at nagpamahagi ng mga gamot sa mahigit dalawamput-dalawang (22) pamilya na nasa evacuation site.

Hindi rin naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan sa mga kawani ng Environmental Sanitation and Management Office (ESMO) na linisin ang bulto ng mga basura kasunod ng pagbaba ng tubig-baha.

Nakaranas rin ng ilang 0ras na power interruptions ang ilang lugar sa lungsod dahil sa malakas na hampas ng hangin na naging dahilan sa pagbagsak ng ilang poste at puno na tumama sa ilang kable ng kuryente kaya naman full-force rin ang mga kawani Public Utilities Department (PUD) sa pag-kumpuni ng mga ito.

‘’Marami pang darating na tag-ulan kaya dapat ay patuloy tayong maging handa bagamat lahat ng paraan ay ginagawa upang matugunan ang problema ng pagbaha sa lungsod,’’ dagdag pa ni Mayor Gordon.

Pao/rem

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012