Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, August 09, 2007

CITY GOVERNMENT, RESPONDE AGAD!

Mabilis na kumilos ang Pamahalaan Panlungsod ng Olongapo sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon at ng mga tanggapan ng Disaster Management Office (DMO) at City Social Welfare and Development (CSWD) sa pakikipagtulungan ng mga ‘’barangay officials’’ upang magbigay serbisyo sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha bunsod ng walang patid na buhos ng ulan noong ika-8 ng Agosto 2007.

Kaugnay ng pagbahang ito ay itinalaga ang Olongapo City National High School (OCNHS) bilang ‘’evacuation center’’ para sa mga ‘’evacuees’’ na lubhang naapektuhan ng baha at kinailangang lisanin ang kani-kanilang tahanan.

Dalawampu’t dalawang pamilya (22) o isandaan at anim (106) na katao ang naitalang nagsilikas at nagtungo sa nasabing ‘’evacuation center.’’

Karamihan sa mga pamilyang nagtungo sa OCNHS ay nakatira sa Damsite na matatagpuan sa pagitan ng Barangay West Bajac-Bajac (WBB) at Barangay Old Cabalan (OC).

Sa kabuuang 106 na katao, limampu’t pito (57) ang lalake at apatnapu’t siyam (49) ang babae; mayorya ng mga evacuees na bumibilang ng tatlumpo’t anim (36) ay nasa edad 0-6, labing apat (17) ang lalake, labinsiyam (19) ang babae; labindalawa (12) ang nasa edad 7-12, walo (8) ang lalake, apat (4) ang babae; labinlima (15) ang nasa edad 13-19, anim (6) ang lalake, siyam (9) ang babae; labinsiyam ang nasa edad 20-29, labing isa (11) ang lalake, walo (8) ang babae; dalawampu’t tatlo ang nasa edad 30-59, labing apat (14) ang lalake, siyam (9) ang babae; mayroon din isang naitalang ‘’evacuee’’ na matandang lalake, edad 60 pataas.


Pao/jms

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012