‘GAPO SUPORTADO ANG ‘BREAST-FEEDING’
Inaprubahan na ni Mayor Bong Gordon noong ika-30 ng Hulyo ang Resolution No. 71 Series of 2007 na nag-uutos sa Olongapo City Health Office sa pamumuno ni Dr. Arnildo Tamayo at James L. Gordon Memorial Hospital sa pamumuno ni Dr. Arturo Mendoza na maglunsad ng maigting na kampanya ukol sa ‘’breast feeding’’ bilang sandata laban sa ‘’urban poverty’’ sa lungsod.
Ang nasabing resolusyon na ini-sponsor ni Kgd. JC Gordon Delos Reyes ay pinagtibay ng lahat ng miembro ng Sangguniang Panlungsod sa isang ‘’regular session’’ na ginanap noong ika-11 ng Hulyo 2007.
Iminumungkahi ng resolusyong ito ang pagpapasuso ng gatas ng ina sa mga sanggol sa halip na infant formula na mula sa mga pamilihan.
Ipinapaliwanag ng resolusyon na sa kabila ng pagiging libre at natural nang gatas ng ina ay subok rin ito sa pagiging pinaka-epektibo tungo sa magandang kalusugan ng mga sanggol; higit sa lahat, nakatutulong ito upang protektahan ang mga sanggol laban sa anumang mikrobyo na maaaring masagap sa kapaligiran at maging sanhi ng karamdaman sa mga unang araw nito pagkasilang.
Matatandaan na noong ika-20 ng Oktubre 1986 nang naisabatas ang Milk Code sa Pilipinas sa pamamagitan ng Executive Order No. 51 bilang tugon na rin ng bansa sa itinatadhana ng International Code of Marketing of Breast milk Substitutes.
Pao/jms
Labels: ‘’breast feeding’’, ika-30 ng Hulyo, Inaprubahan, mayor gordon, Resolution No. 71
0 Comments:
Post a Comment
<< Home