GAWANG ‘GAPO DALAWANG TAON NA!
Pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Zambales Vice-Governor na Olongapo First Lady Anne Marie Gordon ang 2nd Year Anniversary celebration ng Gawang ‘Gapo (Made in Olongapo).
Ang ikalawang taon ng Gawang ‘Gapo ay ginugunita sa pamamagitan ng pagbubukas ng Trade Fair sa Olongapo City Mall nitong ika-17 ng Agosto na tatagal hanggang ika-2 ng Setyembre 2007. Nilahukan ng mahigit tatlumpong (30) exhibitors na nagpakita ng kani-kanilang produkto ang naturang trade fair.
Dumalo rin sa anibersaryo si Vice-Mayor Cynthia Cajudo at ang mga kagawad ng lungsod na sina Marey Beth Marzan, Ellen Dabu, Rodel Cerezo, Jhong Cortez at Gie Baloy, Pag-asa Brgy Captain Jimmy Pasag.
Ang Gawang ‘Gapo program ay bahagi ng layunin ni Mayor Gordon na palawigin ang livelihood sa Olongapo na ang pangunahing target ay ang mga nagsisimulang maliliit na negosyante ng lungsod.
Matatandaan na ang Livelihood ay isa sa mga pangunahing isinusulong ni Mayor Gordon para sa mga entrepreneurs ng Olongapo. Patunay dito ay ang una ng pagbuo ng punonglungsod ng Livelihood Cooperative Development Office (LCDO) na tumututok sa mga pangangailangan, pagpapalakas, estilo at pagbibigay kaalaman sa pag-nenegosyo.
Sa Gawang ‘Gapo Project ay binibigyan ng tig-isang linggong pagkakataon ang mga lokal manufacturers na i-display at ibenta ang kanilang mga produkto sa lobby ng City Hall upang makilala at tangkilikin ng mismong mga taga-Olongapo at mga bumibisita tulad ng Lakbay-Aral Delegates.
Buhat ng simulan ang Gawang ‘Gapo Product Exhibit ay umabot na sa mahigit isangdaang (100) exhibitors na ang nabigyan ng pagkakataong ipakita ang kanilang produkto.
Pao/rem

Labels: 2nd Year Anniversary, Gawang ‘Gapo, Trade Fair
0 Comments:
Post a Comment
<< Home