MGA TANGGAPAN NG LUNGSOD, PINAPURIHAN!
Dahil sa agarang pag-responde ng mga kawani ng Pamahalaan ng Lungsod ng Olongapo kaugnay ng pagbaha dulot ng bagyong Dodong, binigyang komendasyon ni City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang dedikasyon ng mga nagtulung-tulong na tanggapan, nitong ika-13 ng Agosto 2007 sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Covered Court.
Partikular na pinarangalan ni Mayor Bong Gordon ang Disaster Management Office (DMO), Public Utilities Department (PUD), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Health Office (CHO), Olongapo City Police Office (OCPO), Office of Traffic Management & Public Safety (OTMPS), Engineering Department at mga tumulong na barangay officials dahil sa kanilang serbisyo noong kasagsagan ng pananalasa ng nakaraang bagyo.
Samantala, patuloy pa ring pinaghahanda ni Mayor Gordon ang lahat ng tanggapan ng lungsod para sa mga darating pang sakuna bunsod ng panahon ng tag-ulan.
“Mahalaga rin na turuan natin ang mga tao na mag-prepare sa mga ganitong panahon,’’ wika ni Mayor Gordon. Aniya, marapat at mas mainam na handa ang lungsod sa mga maaaring sakunang idulot ng mga darating pang bagyo.
Sa kabila naman ng kawalan ng power supply sa ilang bahagi ng lungsod dahil sa pananalanta ni typhoon Dodong, pinapurihan din ng alkalde ang mabilis na pagkilos ng PUD upang agad na maibalik ang supply ng kuryente.
Ilan sa mga serbisyong hatid ng mga nabanggit na tanggapan ay ang paglikas sa mga lubhang apektado ng baha, pamamahagi ng libreng gamot at pagsasagawa ng libreng medical check up.
pao/jpb

Labels: binigyang komendasyon, chopper, cswdo, DMO, mayor gordon, OCPO, OTMPS, PUD
0 Comments:
Post a Comment
<< Home