4 Illegal Loggers, Naaresto
Inaresto ng operatiba ng Police Station 6 ng Olongapo City ang apat (4) na hinihinalang illegal loggers nitong ika-20 ng Setyembre sa Brgy. Barretto.
Sa operasyong isinagawa ng Olongapo City Police, nahuli ang mga suspek sakay ng isang closed Isuzu elf truck karga ang mga square logs na tinatangka nitong itakas.
Kinilala ni Police Station 6 Commander Inspector Vicente Gabarda ang mga suspek na sina Francisco Trinidad at Annaliza Bechayda ng Sitio Masingit, Brgy. San Isidro, Subic, Zambales kasama sina Resurrección Veran at Gilbert Devilles ng Kale Beach, Brgy. Kalaklan, Olongapo City.
Ayon pa sa mga pulis ng Station 6, una silang nakatanggap ng impormasyon na tumutukoy sa pinaplanong pagtatakas ng mga kontrabando mula sa isang bahay sa Rizal Extension. Agad namang nagtalaga ng checkpoint sa Rizal Street ng Brgy. Baretto ang mga pulis at nasakote nga ang mga suspek.
Nabawi ng pulisya ang dalawampu’t limang (25) square logs na may sukat 350 board feet sakay ng Isuzu elf truck na may plate number RFE 737. Haharap naman sa kasong illegal logging at smuggling of forest products ang mga naaresto.
Ang mga operasyong tulad ng isinagawa ng Station 6 ng Olongapo City Police ay bahagi pa rin ng kampanya ni Mayor Bong Gordon para sa higit na pagpro-protekta ng kalikasan laban sa mga illegal loggers.
PAO/jpb

Labels: Brgy. Barretto, ika-20 ng Setyembre, illegal loggers, Inaresto
0 Comments:
Post a Comment
<< Home