Seminar sa Pag-IBIG
Muling nagsagawa ng isang half day orientation seminar ang Olongapo City Personnel’s Office para sa mga empleyado ng city government nitong ika-10 ng Setyembre, 2007 sa FMA Hall ng Olongapo City Hall.
Kaugnay pa rin ng isang buwang pagdiriwang ng ika-107 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil, pinangunahan ng Personnel’s Office sa tulong ng mga kinatawan mula sa Pag-IBIG (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno) Fund ang pangangasiwa ng seminar hinggil sa mga benepisyong maaaring mapakinabangan ng mga Pag-IBIG members. Dinaluhan naman ng mga empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo ang naturang seminar.
Sumentro ang mga talakayan sa mga programa at mga benepisyong handog ng Pag-IBIG sa mga miyembro nito. Bukod dito ay nauna namang tinalakay ang mga paraan upang maging Pag-IBIG members.
Ayon sa mga facilitators mula sa Pag-IBIG, sa ilalim ng Republic Act 7742, ay nagiging mandatory members ang mga Social Security Systems (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) members na kumikita ng P4,000 pataas kada buwan.
Maaari pa rin namang maging miyembro ang mga self-employed individuals (tulad ng mga professionals in private practice, businessmen, etc.) at mga informal income earners (tulad ng mga magsasaka, agricultural workers, fisher folks, etc.) sa pamamagitan ng boluntaryong pagpaparehistro. Bukas din naman ang Pag-IBIG Fund para sa mga OFW’s, resident immigrants at naturalized citizens sa pamamagitan ng Pag-IBIG overseas Program (POP).
Highlight naman sa seminar ang mga programa ng Pag-IBIG tulad ng Short Term Loan Programs kung saan nakapaloob ang Multi-Purpose Loan at Calamity Loan, at Housing Loan Benefits na maaaring ma-avail ng mga miyembro matapos makapaghulog ng dalawampu’t apat (24) na monthly contributions.
Para sa Multi-Purpose Loans, 60% ng Total Accumulated Value (TAV) ng kontribusyong naihulog ang maaaring ma-avail ng miyembro kung mayroon na itong 24-59 buwang kontribusyon, 70% ng TAV kung 60-119 buwang kontribusyon, at 80% ng TAV kung mayroon nang 120 buwang kontribusyon. Calamity Loan naman ang maaaring i-avail ng miyembro o 80% ng TAV kung ito ay nakatira sa lugar na idineklarang nasa “state of calamity”.
Samantala, 24 na buwanang kontribusyon lamang naman ang kailangang buuin ng isang miyembro upang makapag-avail ng housing loan na
maaaring magkahalaga ng hanggang P2,000,000.00.
Ang Pag-IBIG Fund ay itinatag noong Hunyo 11, 1978 sa pagpapatibay ng Presidential Decree 1530 at inamyendahan nang lumaon sa bisa ng PD No. 1752 at RA No.7742 at patuloy na tumutulong sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng epektibong savings scheme.
PAO/jpb

Labels: ika-10 ng Setyembre., orientation seminar, Pag-IBIG, Personnel’s Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home