SEN. GORDON, TAGAPAG-TANGGOL NG MGA MARINONG PILIPINO SA ISYU NG MLC
Masidhi ang pagtutol ni Senator Richard ‘’Dick’’ Gordon sa sapilitang implementasyon ng Management Level Courses (MLC) ng Professional Regulatory Commission (PRC) Marine Boards na aniya’y hindi makatarungan bagkus ay pahirap lamang sa mga marinong Pilipino.
Sa ‘’privilege speech’’ ni Senator Gordon nitong ika-4 ng Setyembre 2007, ipinunto niya na ang ninanais na karagdagang kurso ng PRC Marine Boards para sa mga marino ay higit pa sa ipinapatupad na ‘’educational background requirement’’ ng ibang mga bansa. ‘’Why is this being done? Why single out the merchant profession for this stricture?,’’ tanong ni Senator Gordon.
Binigyang-pugay din ni Senator Gordon ang pakikibaka ng pitong (7) grupo sa ‘’maritime industry’’ na tumutuligsa sa pagpapatupad ng MLC. Ang mga nasabing samahan ay ang Conference of Maritime Manning Agencies (COMMA), ang Crewing Managers Association of the Philippines (CMAP), ang Seaman Party, Inc. (SPI), ang United Filipino Seafarers (UFS), ang Philippine Maritime Institute Alumni Association, Inc. (PMIAAI), ang Visayan Maritime Academy Alumni Association, Inc. (VMAAA) at ang Integrated Marine Deck and Engine Officers Association, Inc. (IMDEOA).
Matatandaan na ang mga grupong ito ay nagsumite na ng liham kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naglalaman ng kanilang pormal na petisyon upang pigilan ang PRC Marine Boards sa pagpupursige nito sa MLC.
Sinigundahan ng Senador ang paniwala ng mga grupong ito ukol sa motibo ng PRC Marine Boards sa pagpapairal ng MLC. Anila, ang makikinabang lamang ay mga ‘’training centers’’ sa nasabing ‘’training course’’ na isinusulong ng komisyon. Kaugnay nito ay ipinanukala ni Senator Gordon ang pagkakaroon ng ‘’Senate investigation’’ patungkol sa di umano’y ‘’conspiracy’’ sa pagitan ng PRC Marine Boards at ilang mga ‘’maritime training centers.’’ Layon niya na maiwasan ang anumang kontrobersiya na maaaring sumulpot, kahalintulad ng nangyari sa ‘’Nursing profession’’ nitong nakalipas na taon.
Ipinahayag ng ‘’marine groups’’ na kikilalanin naman nila ang MLC kung ito ay ipapatupad bilang karagdagang ‘’curriculum’’ sa ‘’maritime education’’ sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED), hindi bilang panibagong ‘’training requirement’’ upang maging ‘’licensed marine’’ ang isang marino.

Si Senator Richard ‘’Dick’’ Gordon, ang bagong tagapag-tanggol ng mga marinong Pilipino.
Pao/jms
Labels: implementasyon, MLC, Senator Richard ‘’Dick’’ Gordon, tutol
0 Comments:
Post a Comment
<< Home