Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, October 08, 2007

Anti-smuggling czar may ‘death threat’

NAKATANGGAP ng pagbabanta sa kanyang buhay ang hepe ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG), simula ng lansagin ng kanyang grupo ang ilang smuggling sysndicates na nagbunga ng pagkakasabat sa milyun-milyong pisong halaga ng smuggled goods sa bansa.

Tulad sa panahon ng ‘old west’, ang isang mabuting marshal, kapag ginagawa ang kanyang trabaho para pangalagaan ang mga buhay at kapakanan ng mabubuting tao ay laging nagiging kaaway ng masasamang tao.

At si Undersecretary Antonio Villar Jr., sa kanyang ika-4 na buwan bilang pinuno ng bagong buong Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ay nakararanas ngayon ng tulad noong ‘old west’ .

Ayon kay Villar, matapos matimbog nila ang ilang daan-daang milyong pisong halaga ng mga goods sa bansa, lagi na siyang nakatatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay mula sa mga hindi kilalang mga tao.

“I know that these threats would eventually come when I took the job as head of the PASG,” sabi ni Villar.

Kinumpirma ni Villar ang mga banta sa kanyang buhay nang malaman mismo mula sa mga intelligence report sa NBI, na naapektuhan nang husto ang mga sindikato sa walang puknat na kampanya ng PASG.

Sinabi ni Villar na pati ang kanyang misis na si Vivien, na mayor ng Sto. Tomas,Pangasinan, ay nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay. Jess Antiporda -Journal online

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012