BARANGAY AT SK ELECTION SA ‘GAPO, MAPAYAPA!
Generally Peaceful ang katatapos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election nitong ika-29 ng Oktubre 2007 sa Lungsod ng Olongapo.
Maaga pa lamang ay dumagsa na ang maraming bilang ng mga botante sa labing-pitong (17) barangay na ayon sa talaan ng Commission on Election (COMELEC) ay mahigit 110,469 ang registered barangay voters at 4,253 naman ang registered SK voters.
Umabot rin sa 557 clustered precincts o pinagsama-samang presinto ang binuksan ng COMELEC para sa mga bumotong Olongapeño.
Samantala, masayang sinalubong ng mga kapwa botante, residente at guro si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ng mag-tala ng boto sa Nellie E. Brown Elementary School sa West Bajac-Bajac at sa Pamatawan Elementary School, Pamatawan, Subic, Zambales naman tumungo si Vice-Governor at Olongapo First Lady Anne Marie Gordon upang bomoto.
Matatandaan na nauna nang nanawagan si Mayor Bong Gordon sa mga botante at tumatakbong lider-barangay at SK na panatilihin ang katahimihan, ‘’Iwasan ang init ng ulo bagkus ay maging kalmado. Isumbong sa COMELEC at Olongapo City Police Office (OCPO) ang anumang makikitang kaguluhan.’’
Bunga ng maayos at tahimik na halalan ay binigyang komendasyon ni Mayor Gordon ang lahat ng mga Olongapeño na walang naitalang anumang uri ng election related violence, ‘’Napatunayan na naman na ang Olongapo ay karapat-dapat na hirangin bilang Peace and Order Awardee ng bansa,’’ wika ni Mayor Gordon.
Pao/rem
Labels: Barangay at Sangguniang Kabataan, election, Generally Peaceful
0 Comments:
Post a Comment
<< Home