CITY GOV’T AT BIR, TUNGO SA MAUNLAD NA GAPO
Ipinakilala ni Olongapo City Mayor James “Bong Gordon, Jr. sa flag raising ceremony kamakailan ang bagong Revenue District Officer sa lungsod na si Edgar B. Tolentino.
Naniniwala si Mayor Gordon na magiging katuwang ng Pamahalaang Lungsod ang tanggapan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) sa pamumuno ni Tolentino kaugnay sa mga programa nito sa pagpapalakas ng “revenue system” sa lungsod. “The City Government looks forward on the alliance with the Bureau of Internal Revenue (BIR) for notable development in our community,’’ pahayag ni Mayor Gordon.
Kasalukuyang pinag-uusapan ang kasunduan kaugnay sa ipagkakaloob ng City Government na permanenteng espasyo para sa tanggapan ng BIR. Ang nasabing hakbang ay tiyak na magiging daan tungo sa mas maayos pang koleksyon ng buwis sa lungsod.
Magugunita na sa inisyatibo ni Mayor Gordon ay ipinatayo at malapit nang buksan sa publiko ang Taxpayer’s Lounge na “airconditioned” at may “entertainment set” pa upang komportableng makapagbayad ang mga mamamayan ng kani-kanilang mga “tax obligations.”
Inaasahan na ang lalo pang gumagandang relasyon sa pagitan ng City Government at BIR ay magdudulot ng mabuting epekto sa ekonomiya. Gayun pa man, hindi magtatagumpay ang dalawang ahensiya sa kanilang adhikaing paunlarin ang ekonomiya kung hindi makikipagtulungan ang mga mamamayan kung kaya’t hinihikayat ang bawat isa na magbayad ng tamang buwis sa tamang oras.
Pao/jms

Labels: Bureau of Internal Revenue, Edgar B. Tolentino, Revenue District Officer
0 Comments:
Post a Comment
<< Home