Mga Batang ‘Gapo, Hataw sa Children’s Congress ‘07
Isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang taunang Children’s Congress nitong ika-22 hanggang 24 ng Oktubre 2007 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
Sa pangunguna ni CSWDO Head Gene Eclarino at suporta ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. matagumpay na idinaos ang taunang Children’s Congress sa Olongapo. Kaugnay ng pagdiriwang ng National Children’s Month para sa taong ito, ang dalawang araw na Children’s Congress ay nilahukan ng mga bata mula sa limampu’t apat (54) na Day Care Centers sa buong lungsod.
Humataw ang mga batang kinatawan ng mga Day Care Centers sa iba’t ibang aktibidad sa Children’s Congress. Dito ay ipinakita ng mga batang Olongapeño ang kanilang angking talento sa pagsasayaw, pagkanta, pagguhit at pagbigkas ng tula.
‘Wagi ang pambato ng Johnson East Bajac-Bajac Day Care Center ng unang pwesto para sa singing competition habang tinanghal ring 1st placer ang Purok 2 New Cabalan Day Care Center sa Folk Dancing.

Nagpasikat naman sa Poem Recital ang kinatawan ng Block 12 Gordon Heights Day Care Center na nakakuha ng unang pwesto habang 1st place winner din ang pambato ng Mabayuan Day Care Center sa Drawing Contest.
Samantala, magiging kinatawan naman ng Olongapo ang mga first place winners sa regional competition na gaganapin sa San Fernando Pampanga Convention Center.

Si Mayor Bong Gordon habang nagbibigay ng mensahe para sa mga batang kalahok sa Children’s Congress 2007 na ginanap sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center nitong ika-22 hanggang 23 ng Oktubre 2007.
Labels: Children’s Congress, cswdo, Rizal Triangle Multi-Purpose Center
0 Comments:
Post a Comment
<< Home