Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 23, 2007

‘Gapo Rescue Team sa ARDEX-07

Makikipagsabayan ang Olongapo Rescue Team sa galing ng mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa sa Asya sa 3rd ASEAN Regional Disaster Simulation Exercise (ARDEX-07) nitong ika-20 hanggang 24 ng Oktubre 2007.

Matapos maiuwi ang first place title sa nakaraang First Aid Olympics na ginanap sa Tarlac City kamakailan, tumulak naman ang Olongapo City Rescue Team sa Singapore upang maging kinatawan ng Pilipinas sa isang Disaster Simulation Exercise.

Buo ang suporta ni Mayor Bong Gordon para sa team. Aniya, ang pakikilahok nito sa ARDEX-07 ay magiging kapaki-pakinabang upang higit na maiangat ang kaalaman at husay ng team pag dating sa mga emergency situations.

Ang ARDEX ‘07 ay bahagi ng ASEAN Agreement on Disaster Management and Emergency Response na sumesentro sa disaster rescue and relief operations na isinasagawa ng mga ASEAN member countries.


Si Mayor Bong Gordon at Olongapo First Lady at Zambales Vice Governor Anne Gordon (gitna) kasama ang Olongapo Rescue Team mula sa Disaster Management Office (DMO) na lalahok sa 3rd ASEAN Regional Disaster Simulation Exercise (ARDEX-o7) sa Singapore nitong ika-20 hanggang 24 ng Oktubre 2007.



Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012