Unawaang Pamahalaan – Mamamayan hinggil sa Pagbubuwis
Ang buwis ay dugo’t buhay ng pamahalaan. Ito ang nagsisilbing langis na nagpapatakbo sa mga prosesong pampamahalaan upang mapaglingkuran ang mamamayan.
Ayon sa Social Contract Theory ni Thomas Hobbes, “Kailangang isuko ng tao ang kanyang karapatan at kalayaan kapalit ng proteksyong ihahatid sa kanya ng estado.” Ang teoryang ito ay mababanaag sa konsepto ng pangongolekta ng buwis. Hinahayaan natin ang pamahalaan na kaltasan ang ating mga kinikita sapagkat ang salaping makokolekta mula dito ay siya namang gagamitin tungo sa matagumpay na relasyon sa pagitan ng namumuno at pinamumunuan. Ang relasyon na tinutukoy ay ang pagbibigay serbisyo ng mga namumuno sa kanilang nasasakupan.
Isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kita (revenue) ng pamahalaan ay ang buwis sa mga ari-ariang di natitinag o Real Property Tax (RPT). Ang mga mamamayang nagmamay-ari ng lupa, gusali o bahay, mga sementadong bakod, tangke ng tubig, makinarya at kagamitan na kasalukuyan o tuwirang ginagamit para sa isang partikular na industriya o kalakalan ay sakop ng batas patungkol sa pangongolekta ng RPT.
Sa oras na mapasakamay ang isang ari-ariang di natitinag, marapat na maglahad ng sinumpaang pahayag hinggil sa tunay na halaga nito sa Tanggapan ng Taga-tasa (City or Municipal Assesor) sa loob ng animnapong araw mula nang maangkin ang naturang ari-arian. Ang paglalahad ng sinumpaang pahayag ay minsan lamang sa loob ng tatlong taon sa panahon mula Enero hanggang Hunyo. Subalit kung hindi tumalima o nakaligtaang maglahad ng sinumpaang pahayag ay maaaring pagmultahin ng P1,000 hanggang P5,000 o pagkabilanggo ng di-hihigit sa anim na buwan o parehong multa at pagkabilanggo. Muli, ang karapatan sa pagpapataw ng multa ng pamahalaan ay sang-ayon sa unawaan ng pamahalaan at mamamayan upang parehong makinabang ang mga ito sa isa’t isa – ang pamahalaan sa buwis mula sa mamamayan; ang mamamayan sa proteksyon at serbisyong ihinahatid ng pamahalaan.
Pagkwenta ng Bayaring Buwis
sa mga Ari-ariang di-natitinag:
Kung paanong kinukwenta ang bayaring buwis ng angking ari-arian ay sang-ayon sa tasadong halaga (assessed value) ng mga ito. Ang ibinubuwis sa mga ari-ariang di-natitinag ay tinatasahan ayon sa antas ng Tasasiyon (Assessment Level) o Porsiyento ng kabuuang halaga ng bilihan (Market Value) na itinakda ng batas ukol sa bawat uri ng ari-arian.
Ang mga antas ng tasasiyon ukol sa mga uri ng lupa ay ang sumusunod:
Tirahan (Residential) 20%
Taniman (Agricultural) 40%
Pangkalakal (Commercial) 50%
Industriyal (Industrial) 50%
Minahan (Mineral) 50%
Kahuyan (Timbered) 20%
Kaya kung nagmamay-ari ng Lupang Tirahan na nagkakahalaga ng P10,000, ang basehan ng babayaran na buwis ay 20% ng P10,000.
Ang mga antas ng tasasiyon (Assessment Level) ukol sa mga gusali, ibang ari-arian at makinarya ay nagsasaad sa Pangalawang Aklat (Book II) ng Kodigo ukol sa Lokal na Pamahalaan ng 1991.
Maaaring bayaran sa Tanggapan ng Ingat Yaman ngungsod ang kabuuang halaga ng buwis ng ari-ariang di natitinag o kaya ay pantay-pantay na hulugan sa loob ng isang taon. Ang taning sa pagbabayad ng buwis ay ang mga sumusunod:
a. Buong pagbabayad - hanggang ika-31 ng Marso
b. Apat na pantay-pantay na hulugan:
Enero 3 - Marso 31
Abril 1 - Hunyo 30
Hulyo 1 - Setyembre 30
Oktubre 1 - Disyembre 31
Ang mga hindi makapagbabayad ng buwis ng mga ari-arian sa loob ng taning na panahon ay kagyat na magiging delingkwenteng magbubuwis at maaaring patawan ng karagdagang bayad. Pagbabayarin ang mga ito ng dalawang porsiyentong dagdag sa kabuuang bayad sa buwis ng ari-arian. Sakaling hindi mabayaran ang buwis ng ar-arian pagkalipas ng isang taon, ang lokal na Ingat-Yaman ay maaaring gawin ang isa o lahat ng mga sumusunod na hakbang:
· Ilitin(confiscate) ang ari-arian;
· Ipagbili (sell) ang ari-arian sa pamamagitan ng subasta (Public Auction Sale)
· Magdemanda (file a legal suit) sa hukuman
Bigyang-diin muli natin na ang karapatan ng pamahalaan na magpataw ng kaukulang penalty sa mga delingkwenteng mambubuwis ay mula sa unawaan ng
-more-
pamahalaan at mamamayan hinggil sa pangongolekta ng buwis. Kung umaaasa ang mamamayan sa mga serbisyong mula sa pamahalaan, ang pamahalaan naman ay umaasa at nabubuhay sa pamamagitan ng suportang ibinibigay ng mamamayan dito. Ang wastong pagtupad sa obligasyon sa pagbubuwis ay pagtugon sa matiwasay na ugnayan ng pamahalaan at ng mamamayan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home