Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 23, 2007

P 5k Para sa Magpapahuli sa Magnanakaw ng Kuryente

Magbibigay ng pabuya si Mayor Bong Gordon para sa mga makapagtuturo o makahuhuli ng mga di–otorisadong indibidwal at kumpanya na gumagawa ng tampering ng mga kable ng kuryente.

Sa ginanap na flag raising ceremony ng mga city officials and employees nitong ika-22 ng Oktubre, sinabi ni Mayor Gordon na magbibigay ng limang libong pisong (P5,000) reward ang Olongapo City Government sa mga makapagtuturo o makahuhuli sa mga gumagawa ng illegal na koneksyon sa mga linya ng kuryente.

Kabilang sa tinutukoy na illegal connection o tampering ng mga kable ng kuryente ang intensyunal na pagkakabit ng di-otorisadong koneksyon, di-otorisadong pag-extend ng linya ng kuryente ng mga subscribers at pag-install ng mga putol na linya.

Limang libong piso rin ang ibibigay na pabuya ng lungsod sa sinumang makapagtuturo sa mga gumagawa ng bandalismo (vandalism) na isa sa nakasisira sa kalinisan at mga ari-arian ng lungsod. Samantala, may sampung libong piso (P10,000) pabuya naman para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng nawawalang accordion door sa Onse Fraterity Compound sa may Marikit Complex.

Para sa mga sumbong hinggil sa tampering o illegal connections ng mga linya ng kuryente, bandalismo at iba pang violations, makipag-ugnayan lamang sa inyong mga barangay o kaya’y sa Public Utilities Department (PUD), numero 222-3015/222-2659/222-3022 at Public Affairs Office, numero 224-8390 locals 4211/4241. Para naman sa makapagbibigay ng impormasyon patungkol sa nawawalang accordion door sa Onse Fraternity Compund, maaaring makipag-ugnayan sa Mayor’s Office, numero 222-2565.

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012