West Tapinac, Nanguna sa 1st Canvassing
Nanguna si Ms. West Tapinac Michelle Grace Antonio sa makulay na First Canvassing ng Search for the City Fiesta Queen 2007 sa temang Carnival Night nitong ika-19 ng Oktubre sa Rizal Triangle Multi-Purpose Covered Court.
Matapos rumampa ang mga City Fiesta Queen candidates suot ang kanilang makukulay na kasuotan na angkop sa temang Carnival Night, nangibabaw ang pangalan ni Ms. West Tapinac Michelle Grace Antonio matapos ang bilangan.
First Counting pa lang ay lamang na si Ms. West Tapinac sa ibang kandidata. Higit itong lumamang sa 2nd Counting na umabot sa P20,000 kabuuan ng una at pangalawang bilangan.
Pumangalawa naman si Ms. Kababae Marie Graciela Cura at sinundan ni Ms. Gordon Heights Avirose De Aro.
Dinaluhan ni Mayor Bong Gordon ang naturang Canvassing upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa mga kandidata. Pinapurihan din niya si Kgd. Gie Baloy, Chairman ng City Fiesta Executive Committee, dahil sa matagumpay na pagdaraos ng 1st Canvassing.
-more-
Samantala, umabot sa P82,128.75 ang kabuuang halaga ng pera ng labing pitong (17) kandidata mula sa iba’t ibang barangay ng Olongapo para sa unang canvassing.
Ang Search for the City Fiesta Queen 2007 ay isang fund-raising upang makalikom ng pondong pantulong tulad ng scholarships at livelihood sa mga mamamayan ng Olongapo.
PAO/jpb

Labels: City Fiesta Queen 2007, First Canvassing, Nanguna, West Tapinac
0 Comments:
Post a Comment
<< Home