NGO’s, binigyang akreditasyon ng city council
Binigyang akreditasyon ng Sangguniang Panlungsod ng Olongapo ang iba’t ibang Non-Government Offices (NGO’s) sa lungsod upang maging bahagi ng mga special bodies nito.
Sa bisa ng Resolution Numbers 138, 139, 140, 141, 142 at 143, pormal na kinilala ng city council ang ilang NGO’s sa Olongapo upang maging miyembro ng mga special bodies ng lungsod sang-ayon sa Republic Act 7160 o mas kilala sa Local Government Code of 1991.
Kabilang sa mga accredited NGO’s ng konseho ang Ulo ng Apo Amateur Radio Club, Inc., Boy Scouts of the Philippines, James L. Gordon Council, Senior Citizens Association of the Philippines (FSAP) Olongapo City Chapter, Olongapo Business Club, Inc., Katipunan ng mga Bantay Bayan ng Pilipinas, Inc. (KABAYAN) at Tayo ang Tinig at Gabay (TATAG) Inc.
Layunin ng akreditasyon ng mga nabanggit na NGO’s na maging katuwang ang mga ito ng pamahalaang lokal sa pagsusulong ng mga programang laan para sa mamamayang Olongapeño.
Inaasahan rin na makikiisa ang mga accredited NGO’s sa pagtataguyod ng matatag at progresibong Olongapo tulad ng slogan nitong “Fighting for Excellence”.
PAO/jpb

Labels: Binigyang akreditasyon, NGO’s, Sangguniang Panlungsod
0 Comments:
Post a Comment
<< Home