TAPATANG OLONGAPO AT ANGELES PART - II
Muli na namang pinaluhod ng mga pambatong boksingero ng Olongapo ang mga katunggaling boksingero sa isinagawang Invitational Amateur Boxing Tournament- The Olongapo vs Angeles Fiesta Fight II nitong ika-20 ng Oktubre 2007. Sinaksihan ng mahigit isanlibong (1,000) manunuod sa Nepo Quadrangle, Angeles City ang sagupaan.
Inalay kay City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. nitong ika-22 ng Oktubre 2007 sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center ang trophy na napagwagian ng Olongapo Boxing Team sa limang (5) non-title fights na pinaglabanan kung saan tatlong (3) bouts ang napanalunan ng Olongapo.
Masayang tinanggap ni Mayor Bong Gordon ang pasalubong na trophy buhat sa mga ‘waging boksingero na pinangunahan ni Olongapo Boxing Team Head Coach Arsenio A. Perez, Jr.
Isa-isang ipinagmalaki ni Mayor Gordon ang mga matitikas na kabataang boksingerong nag-uwi ng karangalan sa lungsod kabilang na sina Larry Abarra (Bantamweight), Melchor Perez (Pinweight) at Ricardo Rivero (Flyweight).
Matatandaan na ang sumisikat ngayon sa boxing arena na si Artis Martin, Jr. ay nagsimula at sinanay sa ‘’Inter-barangay Boxing Tournament’’ na isa sa mga Sports Program ni Mayor Gordon at patuloy na nagsasanay sa Baguio City upang isabak sa susunod na ASEAN Games.
Samantala, patuloy pa ring naghahanap ang lungsod ng mga kabataang nais na lumahok sa mga susunod pang boxing competitions. Maaaring makipag-ugnayan sa City Disaster Management Office (DMO) o tumawag sa 224-7846 o kaya’y sa inyong mga sariling barangay halls.
Pao/rem

0 Comments:
Post a Comment
<< Home