Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, November 28, 2007

Collector ng Subic kailangang palitan na

Nahaharap sa kasong falsification of public documents at violation of anti-graft practices law ang limang opisyal ng Bureau of Cutoms na kinabibilangan nina Port of Subic District Collector Marietta “Tita” Zamoranos.
KAHIT hindi aminin ng gobyerno, ang pag-suspendi ng World Bank (WB) sa pagbibigay ng $232 million loan sa Pilipinas dahil daw sa corruption ay isang blackeye na naman sa ating mga Pilipino.

Malamang na sabihin ng mga kaibigan natin sa labas ng bansa na ito ay patotoo na talagang laganap na nga ang katiwalian sa Pilipinas na minsan na ngang binansagang “Pearl of the Orient Seas.

Bago pa mang lumabas ang report ng WB ay napaka-corrupt na ang tingin ng international community sa ating bansa dahil sa mga sunod-sunod na isyu ng panunuhol na kinasasangkutan daw ng ilang kawani ng gobyerno.

Nandiyan ang kontrobersyal na National Broadband Network (NBN) deal na pinasok ng gobyerno sa ZTE Corp. ng China at bigayan ng “cash gift” sa Malacañang pagkatapos ng pakikipagpulong ni Pangulong Arroyo sa ilang kongresista at local government officials.

“Between 2003 and 2006 the World Bank rejected two large road contracts in three successive rounds of bidding because of strong signs of collusion and excessive pricing,” sinabi ng isang kalatas mula sa WB vice president for the East Asia and Pacific Region.

Dahil sa kahihiyang inaabot natin sa international community, dapat lang na kumilos na ang gobyerno para matigil na ang overpricing at rigging ng mga public bidding, lalo na ang mga proyektong pinopondohan ng international financing firms.

Hindi dapat balewalain ng gobyerno ang WB report dahil baka wala ng magtitiwala sa atin.

Sa isang punto, mabuti na siguro kung hindi na tayo pautangin ng WB dahil talaga namang lubog na tayo sa utang. Ayon nga sa mga eksperto, sa laki ng ating utang natin hindi pa man ipinanganganak ang bata ay meron na siyang utang.

Mabuti sana kung ang lahat ng mga tiwaling opisyal at kawani ng gobyerno ay nasa kulungan na. Ang problema, kaysa mabawasan, lalo pa yatang duma-dami ang mga magnanakaw sa gobyerno.

Marami ang nagtataka kung bakit napasama si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Administrator Armand Arreza sa mga inirekomenda ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na sampahan ng administrative charges.

Sina Arreza, SBMA deputy administrator for operations Jose Calimlim at seaport manager Perfecto Pascual ay idinawit sa isang conspiracy para mag-smuggle daw ng 16 luxury vehicles sa labas ng freeport.

Nahaharap naman sa kasong falsification of public documents at violation of anti-graft practices law ang limang opisyal ng Bureau of Cutoms na kinabibilangan nina Port of Subic District Collector Marietta “Tita” Zamoranos.

Paano napasama sina Arreza sa kaso, hindi naman trabaho ng mga taga-SBMA ang kumolekta ng buwis at taripa. Ito ay trabaho nina Collector Zamoranos, na ang tingin ng marami ay dapat nang alisin ni Customs Commissioner Napoleon “Boy” Morales.

Magmula kasi noong maupo si Zamoranos sa Port of Subic ay hindi na raw gumanda ang revenue collection doon. Lumala pa nga daw ang ismagling, lalo na ang pagpaparating ng mga luxury vehicle.

Kung gusto daw ni Commissioner Morales na gumanda ang performance ng POS ay kailangang palitan na niya si Zamoranos dahil marami pa naman daw ang mga karapat-dapat na maging district collector.

Hindi natin sinasabi na inutil si Collector Zamoranos. Ang gusto lang natin ay bigyan ng pagkakataon ni Commissioner Morales ang ibang opisyal ng customs na pamunuan ang Port of Subic, isa sa mga revenue-rich collection district.

Isa pa, dapat alisin muna si Zamoranos habang dinidinig ang kanyang kaso para hindi niya mapakialaman ang ginagawang imbestigasyon. Habang nasa puwesto kasi siya ay hindi maaalis ang suspicion na baka gumawa siya ng mga bagay na makaka-impluwensiya sa imbestigasyon.

By: Vic Reyes - Journal Online

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012