Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, November 27, 2007

Forum Hinggil sa Regulasyon ng mga Night Clubs, Ginanap

Matagumpay at mabungang ginanap ang forum hinggil sa regulasyon ng operasyon ng mga night clubs, bars, music lounges at iba pang katulad na establisimiento sa lungsod sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Division (BPLD) nitong ika-26 ng Nobyembre 2007 sa FMA Hall ng Olongapo City Hall.

Dinaluhan ni Mayor Bong Gordon ang naturang forum kasama ang mga concerned department heads at city officials pati ng ilan pang barangay chairmen na kaakibat ng lungsod sa hangarin nitong mapangalagaan ang imahe at kapakanan ng mga Olongapeño. Nakiisa rin sa pulong ang mga may-ari ng mga nabanggit na establisimiento.

Para sa unang bahagi ng pagpupulong, pinangasiwaan ni Kgd. Gina Perez ang talakayan hinggil sa City Ordinance No. 51 (Series of 2007) o Anti-Prostitution Ordinance. Dito ay inilahad ni Perez ang mga karampatang parusa para sa mga indibidwal at establisimiento na kumukunsinte sa prostitusyon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pangangalaga sa dignidad ng mga kababaihan at mga kabataan na kadalasang nagiging biktima nito.

Tinalakay naman ni Kgd. JC Delos Reyes ang City Ordinance No.28 (Series of 1995) o ang Prohibition of Indecent Acts in Public. Sakop ng ordinansa ang pagbabawal sa mga night clubs na i-tolerate ang mga malalaswang palabas gayundin ang pagkalat at pagbebenta ng mga x-rated films.

Highlight din sa forum ang executive order na ipinalabas ni Mayor Gordon nitong ika-12 ng Nobyembre2007 na bumuo sa isang composite team na susubaybay sa implementasyon ng mga batas na magre-regulate sa operasyon ng mga night club sa lungsod. Ang composite team ay binubuo ng limang miyembro kabilang ang City Administrator, Business Permit and Licensing Division Officer, City Legal Officer, City Health Officer at City Director ng Olongapo City Police Office.

Samantala, pangakong kooperasyon naman mula sa mga owners ng mga bars at night clubs sa Olongapo ang naging bunga ng forum. Anila ay maaasahan ng lungsod ang kanilang pagtalima sa mga alituntunin hinggil sa tamang paraan ng pamamalakad ng kanilang negosyo.

Sa huli ay nagbigay ng updates si Neal Perez patungkol sa mas pinadaling proseso ng aplikasyon at renewal ng Mayor’s Permit ng mga business establishments sa lungsod kasama na ang iba pang programa at proyekto ng BPLD.

Magugunitang nagpagawa at malapit nang buksan ang Taxpayers’ Lounge na air-conditioned at may “free coffee” at “cookies” bilang pagpapahalaga sa mga nagbabayad ng buwis at iba pang “fees” na ginagamit ng gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo at mga proyektong inprastraktura.

PAO/jpb

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012