Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, November 27, 2007

‘’THE FOOD COURT’’

Pinangunahan nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at Zambales Vice-Gov. at Olongapo First Lady Anne Marie ang blessing and inauguration ng ‘’The Food Court’’ sa James L. Gordon Avenue Market and Mall nitong ika-20 ng Nobyembre 2007.

Ang pagpasinaya sa ‘’The Food Court’’ na matatagpuan sa harapang bahagi ng pamilihan ay bilang karagdagang atraksyon sa mga mamimili at naghahanap ng makakainan na bukas biente-kwatro oras.

‘’Sa panahon ngayon na mahirap ang paghahanap ng trabaho, bakit hindi subukan ang self-employment. Sa pagkakaroon ng sariling pang-kabuhayan nasusubukan ang sipag, tiyaga at talino ng isang indibidwal’’, wika ni Mayor Gordon.

‘’Ang aking administrasyon ay malaki ang suportang ibinibigay sa mga maliliit na negosyante. Bukas ang Mayor’s Office at ang Livelihood Cooperative and Development Office (LCDO) upang kayo ay alalayan,’’ dagdag pa ng punong-lungsod.

Bilang suporta sa ‘’The Food Court’’ ay dumating rin ang mga city councilors, department heads, barangay officials at ang Former Senior Vice-President ng PEPSI-COLA Products, Philippines, Inc. na si Alberto Dacuycuy.


‘’Ang ‘’The Food Court’’ ay batay sa inisyatiba ni Mayor Bong Gordon na higit na palakasin ang James L. Gordon Avenue Market and Mall o Pag-asa Market. Malaking pasasalamat ang ipinararating ng mga vendors dahil sa buo ang suporta ng Pamahalaang Lokal sa mga manininda ng pamilihan,’’ mensahe naman ni Market Administrator Honorio Gomez.

Sa ‘’The Food Court’’ matitikman ang mga masasarap na burgers, pasta, barbeque, lugaw at marami pang iba sa mababang halaga lamang.


Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012