Mardi Gras, Ad Congress, matagumpay!
Pinapurihan ni Mayor Bong Gordon ang iba’t ibang sangay ng Olongapo City Government sa “joint efforts” ng mga ito upang maging matagumpay ang pagdaraos ng Mardi Gras Remix 2 sa Ramon Magsaysay (RM) Drive kasabay ng matagumpay ding 20th Philippine Advertising Congress sa Subic Bay Exhibition and Convention Center (SBECC).
Partikular na binigyang komendasyon ni Mayor Gordon ang Task Force Tourism sa pangunguna ni Kgd. Gina Perez at ang City Tourism Office na kaakibat rin ang Olongapo Business Club (OBC).
Ayon kay Mayor Gordon, hindi binigo ng lungsod ang may mahigit tatlong libong (3,000) delegates ng Ad Congress na sulitin ang kanilang pananatili sa Olongapo. Unang araw pa lamang ay mainit na welcome greeting na sa pamamagitan ng isang parada ang inihanda ng lungsod at sinundan pa ng mala-konsiyertong mga gabi hatid ng iba’t ibang live bands sa mardi gras na sponsored ng Pepsi Cola, San Miguel Beer, Ginebra San Miguel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Kasama rin sa pinapurihan ni Mayor Bong Gordon ang Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) sa pagsiguro nito sa matiwasay na daloy ng trapiko sa lungsod noong
kasalukuyang ginaganap ang Ad Congress at mardi gras, gayundin ang Olongapo City Police Office (OCPO) sa pagpapanatili ng kaayusan ng selebrasyon at ang James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) sa matamang pag-antabay ng mga kinatawan nito sakaling magkaroon ng emergency situations. Ang iba pang departamento at government agencies na naging bahagi rin sa tagumpay ng mga inihandang kaganapan ay kasama pa sa mga pinasalamatan at pinapurihan ng punong lungsod.
Sa kabuuan, ipinagmamalaki ni Mayor Gordon ang matagumpay na pagsasagawa ng Mardi Gras Remix 2 at Ad Congress dahil aniya, sa pamamagitan nito ay naipakita ng mga Olongapeño ang tunay na ganda at kulay ng Olongapo. “With their great Olongapo experience, they will have a story to tell when they go back home”, dagdag pa ni Mayor Gordon patungkol sa mga delegado ng Ad Congress na nanatili ng ilang araw sa lungsod.
Samantala, sa Ad Congress ay naging panauhin din si Mayor Gordon at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Feliciano Salonga para sa opening ceremony nito. Naging keynote speaker naman si John Gokongwei ng JG Summit Holdings, at tagapagsalita din sina Duncan Morris ng Cartoon Network, James Chadwick ng Insights and Strategy, Mindshare-Asia Pacific, Chris Nelson ng Philip Morris, Michelle Green ng Leo Burnett, Ben Colayco ng Level-up International, Tay Guan Hin ng JWT-Singapore at book author Neil Gaiman.
PAO/jpb

Labels: Mardi Gras Remix 2, OBC, SBECC
0 Comments:
Post a Comment
<< Home