LIVELIHOOD CAPITAL ASSISTANCE BUHAT KAY MAYOR GORDON
Naging maaga ang pasko ng dalawamput-isang (21) Olongapeñong tumanggap ng ‘’Livelihood Financial Assistance’’ buhat sa Pamahalaang Lokal ng lungsod sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.
Personal na ini-abot ni Mayor Bong Gordon ang mga sobreng naglalaman ng tulong pang-kabuhayan bilang pag-alalay sa mga masigasig na residente ng lungsod na nais magkaroon ng sariling maliit na negosyo o livelihood.
‘’Ang aking mga magulang ay parehong negosyente bago pa sila pumasok sa pulitika. Kaya pareho nilang nakita ang benipisyo ng pagnenegosyo,’’ wika ni Mayor Gordon.
‘’Magsimula kayo sa maliit na negosyo at samahan ng maraming sipag, tiyaga at panalangin at sigurado ako sa ating muling pagkikita ang inyong nasimulan ay doble na ang kita,’’ dagdag pa ng punong-lungsod.
Ang mga tumanggap ng financial assistance nitong ika-27 ng Nobyembre 2007 sa Lobby ng City Hall ay tugon sa dagsang liham na natatanggap ng Mayor’s Office at ng Livelihood Cooperative Development Office (LCDO) na humuhiling ng pang-unang puhunan o kaya’y karagdagang puhunan sa kanilang nang nasimulan na livelihood.
Ang perang binigay ay pautang lamang o loan na ipinapahiram at kailangang maibalik sa loob ng sampung (10) buwan, nang walang interes at ipinapa-ikot din lamang ng Pamahalaang Lokal upang mas marami ang makinabang.
Samut-saring negosyo ang sisimulan ng mga benipisaryo kabilang na ang sari-sari store, lutong-ulam, pag-aalaga ng hayop, e-load business at marami pang ibang pagkakakitaan.
Pao/rem

Labels: ’Livelihood Financial Assistance, Mayor Bong Gordon, Pamahalaang Lokal ng lungsod
0 Comments:
Post a Comment
<< Home