Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, November 29, 2007

MGA HURADO NG 2007 SEARCH FOR THE CHILD-FRIENDLY CITY DUMALAW SA ‘GAPO

Buong-araw na inikot ng validating team ng 2007 Search for the Child-Friendly Cities ang Olongapo na isa sa mga bigating kalahok sa prestiyosong kompetisyon ng mga lungsod sa bansa na may konkretong programa at proyektong pang-kabataan.

Ang validating team ay binuo ng apat (4) na kinatawan buhat sa Regional Sub-Committee for the Welfare of Children na sina Yvette C. Cosio ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Annette Timbol ng National Economic & Development Authority (NEDA).

Kasama rin sa team sina Melanie Barnatcheta ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) at Terie Celerio ng Reception & Study Center for Children.

Pinangunahan ni City Social Welfare & Development Office (CSWDO) Head Gene Eclarino ang paglalatag ng mga programa at proyekto ng lungsod samantalang inisa-isa rin ng mga kinatawan ng City Health, City Planning & Development Office (CPDO), Engineering Office, Budget Office at iba pang concerned departments and agencies ang kanilang mga ginawang pagtutok sa mga kabataang Olongapeño.

Sa pamamagitan naman ng 7-minute video presentation ng City Public Affairs Office ay higit na naiparating sa mga hurado ang kahalagahan ng mga kabataan sa Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Sa pag-iikot ng team ay partikular na tinungo ang mga Barangay Halls, Health Centers at Daycare Centers, James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH), schools, ang mga temporary shelters ng OCARE at SDC, maging ang on-going construction ng Youth Center at Women’s Center sa Mayumi, Sta Rita.

Sa mga nakitang programa at proyekto ay humanga ang mga hurado dahil sa magandang pagtingin ng Pamahalaang Lokal sa kapakanan ng mga kabataan. Matatandaan na buhat ng simulan ang kompetisyon taong 1999 ay Regional at National Awardee na ang Olongapo sa mga taong 2001, 2002 at 2003 at ngayong para sa 2006 ay may malaking pagkakataon upang muling masungkit ang regional award.

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012