Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, November 02, 2007

SUBIK, SUBIK FESTIVAL 2007

Isang malaking tourism event sa Central Luzon ang muling masasaksihan ng bansa, ang SUBIK, SUBIK 2007 Festival (Non-Stop Day ‘n Night Fun). Ang tatlong araw (3) na premier event na nakatakdang humataw sa ika-2 hanggang 4 ng Nobyembre 2007 ay inorganisa ng Greater Subic Bay Tourism Bureau (GSBTB) at inisyatiba ni Olongapo Mayor Bong Gordon sa pakikipag-tulungan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Konsepto ng selebrasyon ang makulay, masaya at grandiosong festive bonanza activity na higit na magpapakilala sa mga lugar ng Olongapo, Bataan, Zambales at Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) na bumubuo sa ‘’Greater Subic Bay Area’’ bilang major tourists destination sa lokal at international community.

Inaasahan na ang pagdagsa ng mga bisitang turista sa tatlong araw na kaganapan kung kaya’t maaga nang ipinag-utos ni Mayor Gordon ang paghahanda, partikular ng mga departamento ng Tourism at Business Permit Division.

Ang Tourism Office ay para sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa GSBTB at SBMA sa mga aktibidad samantalang ang Business Permit Division naman ang tututok sa business sector na may malaking kapakinabangan sa paparating na event bunga ng inaasahang pagbuhos ng mga bisitang buhat pa sa ibat-ibang panig ng bansa.

Kinapapalooban ang major event ng mga sumusuonod na programme of activities:

NOVEMBER 2, 2007
• Lighthouse Adult/Children Fun Run Competition-
2.5 KM & 5KM run
• MOA Signing by officials of Bataan, Olongapo, SBFZ &
Zambales (BOSZ) witnessed by Dept. of Tourism Sec. Ace
Durano (Boardwalk)
• Opening of the SUBIK Trade Fair (Boardwalk)
- Commencement of ‘’The Great Subik-Chocolates, Wines
& Liquor ATBP…SALE!
- Commencement of ‘’The Great Subik Food Specials’’
• Best of Subik Parade (Marching Band, PMMA Exhibition,
Battle of Bataan Reenacted, Horse Show, Ita-Itahan
Cavalcade, Ms. Greater Subic Bay Contestants)
(Boardwalk)
• Fireworks (Boardwalk)
• Miss Gay Subik…Queen of the Ramp (Boardwalk)

NOVEMBER 3, 2007
• Adult/Children Open Water Swim Fest (White Rock)
• TRACMA Martial Arts Exhibition (Boardwalk)
• Wreck and Reef Check Train Program (Scuba Shack)
• Free Guided Tours for Bataan, Olongapo, Subic Bay
Freeport Zone & Zambales
• Harness Racing (Dewey Avenue, SBFZ)
• Dance Showdown (Boardwalk)
• Battle of the Band (Boardwalk)

NOVEMBER 4, 2007
• Banca & Water Sports Races with Free Rides
(Driftwood Beach, Bo. Barretto)

Matatandaan na binuksan ang unang taon ng SUBIK, SUBIK Festival nang taong 2006 na layon ng GSBTB, SBMA at ang mga local na pamahalaan ng Olongapo, Bataan at Zambales na maging taunan ang festival bilang isang paraan ng pagpapakilala sa buong bansa ng kultura at tradisyon na sadyang pang-Subik!

Binigyang diin ni Mayor Gordon na kapag dumagsa ang turista sa Olongapo at karatig-lugar, gaganda ang ekonomiya at pakikinabangan ito ng lahat ng mamamayan ng Olongapo.

Pao/rem


Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012