Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, December 20, 2007

QUALITY EDUCATION SA GAPO

Dinaluhan ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang isinagawang Teacher’s Day ng mga guro ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Olongapo nitong ika-19 ng Disyembre sa Olongapo City National High School (OCNHS).

Naging sentro ng okasyon ang magandang samahan sa pagitan ng Department of Education (DepEd) sa pamumuno ni Dr. Ligaya Monato at Olongapo City Government sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Gordon.

Binigyang diin ni DepEd Region III Director Mario Ramirez na malaki ang kontribusyon ng Olongapo City sa pagiging cluster 1 ng Region III sa larangan ng edukasyon. Idinagdag pa niya na sa masidhing pagtutok ni Mayor Gordon sa mga educational programs ay lalo pang gumaganda ang kalidad ng edukasyon sa lungsod. Pinuri din ng direktor ang tuloy tuloy na close coordination ng lokal na pamahalaan at ng ahensya ng edukasyon na nagbubunga naman sa kitang-kitang excellence ng mga mag-aaral sa lungsod.

Magugunitang palagiang nagkakamit ng karangalan at pagkilala ang mga estudyante ng Olongapo City sa halos lahat ng aspeto kabilang na ang Mathematics, Science, Journalism, Sports, Scouting at iba pa – patunay sa adhikain ni Mayor Gordon na makilala ang Lungsod ng Olongapo sa pagiging fighter for excellence nito.

PAO/jms

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012